Chapter 14

2.3K 55 18
                                    

CHROM POV

Hanggang ngayon nasasaktan ako kapag naaalala ko  ang mga nangyari kahapon. Tuwing pipikit ako iyong tagpo namin ni Demitri ang lumilitaw sa isipan ko, yung lumuhod siya at sinabing kailangan ni Mama ng heart tansplant. 

Nanlamig ang buong katawan ko sa narinig ko, hindi ko na alam ang ginawa ko after kong marinig iyon basta ang natatandaan ko nalang ay nakasunod lang ako sa kanya hanggang sa makapasok kami sa isang kwarto at doon ko nakita ang payapang natutulog na babae. Kahit anong kamuhi ko sa kanya pero nanaig ang pangungulila ko sa kanya.

Dahan-dahan akong lumapit sa kinaroroonan niya at hindi na ko na kinaya napaiyak nalang ako at napaluhod sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Naramdaman ko namang tinapik niya ang balikat ko.

"P-pwede mo m-muna kaming iwan?" bulong ko sa kanya at alam ko namang narinig niya ako. Nakita kong tumango sya at ng maramdaman ko ng lumabas na siya.

"...Mama." tawag ko sa kanya, sobrang basag na ng boses ko dahil sa mga hikbing pinapakawalan ko.

"Mama please."

May narinig akong para namimilipit kaya napatingin ako sa kama at doon nakit ako syang gumalaw at dahan-dahan niyang binuksan ang kanyang mata. Nilinga-linga niya ang buong kwarto hanggan sa itinuon niya ang atensyon niya sa akin. Nagulat man siya pero ngumiti agad siya.

"C-Champ." mahinang boses na tawag niya sa akin.

At parang gusto niyang umupo kaya inalalayan ko sya at dahan-dahang pinaupo. Tiningnan ko muna sya ng mabuti, at di nagtagal niyakap ko na siya. Naramdaman ko ang haplos niya sa likod ko. Ito iyong ginagawa niya sa akin noong bata pa ako ang haplusin ang likod o ang ulo ko kung patatahin niya ako, umiyak lang ako sa kanyang mga bisig.

"... I-I'm s-sorry. Mom" paghingi ko ng tawad sa kanya.

Tumingin ako sa kanya at nakita kong nakangiti lang sya sa akin at hinawakan ang pisngi na dahan-dahan niyang pinupunasan ang mga luha ko.

"Kahit kailan, ikaw pa rin ang nag-iisang baby ko, Champ." nakangiti niyang sabi.

"Hindi naman nagalit si Mama, kahit kailan hindi nagalit sayo si Mama, Champ. Kasi Anak kita." ilang mura na ang binatawan ko sa isip ko. Nakapaskil parin ang ngiti sa kanyang labi.

Umiling lang ako sa kanya. "Still, I wanted to say sorry over and over."

"B-babawi pa ako s-sayo, Mama. P-please magpaopera ka na, please." pagmamakaawa ko sa kanya.

Hinawakan ko ang balikat niya at tumingin sa mga mata niya, na ngayon puno na ng mga luha niya. Tinakpan niya ng mga palad niya ang kaniyang mukha at doon mahinang umiiyak kaya hinawakan ko ang mga palad niya at dahan-dahang tinanggal sa kanyang mga mukha. Pinunasan ko ang kanyang mga luha at ngumiti sa kanya.

"P-please Mama, magpagaling ka." nakita kong ngumiti sya at tumango sa akin.

"M-magpapa opera na ako Chrom." agad ko siyang niyakap at niyakap naman niya ako pabalik.

Nagkwentuhan lang kami ng mga ilang sandali, sya lang ang daming kwento at nakangiting nakikinig lang ako sa kanya. Napagpasyahan ko na ring umuwi para makapagpalit ng damit at bisitahin sya ulit dito at kailangan niya narin magpahinga.

"Babalik ako dito, wag kang mag-alala." panigurado ko kanya. 

"Magpahinga ka na Ma. Kailangan mong magpahinga para lumakas ka ulit." nag-aalangan man sya ay sinunod niya pa rin ako.

Hinalikan ko muna ang kanyang noo at hinintay na makatulog bago lumabas, kailangan ko ang tulong ni Daddy para makahanap pa ng possible donor for her.

Beep!

RegretWhere stories live. Discover now