Chapter 15

14.6K 392 39
                                    


Nakapangalumbaba ako habang nakatingin sa labas ng sasakyan. Nakatitig ako sa bawat sasakyan na nadaan at nalalagpasan namin. Papunta ako ngayon sa driving lesson ko at hindi ko maiwasan isipin na makikita ko na naman si Lid. Hanggang ngayon kasi ay naguguluhan pa rin ako sa mga kilos nya, tatlong araw na ang nakaraan. He took care of me. He cooked for me. I just don't understand his mind. He's so damn unpredictable and it drives me crazy.

Naguguluhan ako dahil may Mara sa pagitan namin. Naalala ko ang sinabi nya noong nasa kotse kami. Gusto nyang subukan pero paano kung nakatali na sya sa iba. Hindi ko alam kung anong isasagot ko dahil kahit ako ay hindi rin alam kung anong gagawin. Ang relasyon kasi namin ni Lid ay napakabilis. Isang gabing pag kikita na nauwi sa isang hindi inaasahan kasal. Walang nag expect nun. Walang nag akala na mangyayari yun, kaya ngayon ay napakahirap mag desisyon.

Umangat ang tingin ko kay manong Lito ng iliko nya ang sasakyan. Malapit na kami sa building at unti-unti na rin akong nakakaramdam ng kaba. Kasabay ng pag hinto ng kotse ay ang pag hinto rin ng pag hinga ko. Kinakabahan ako!

Nilingon ako ni Manong Lito. "Meg, nandito na tayo."

"Sige ho, baba na ako." Huminga ako ng malalim at binuksan ang pintuan ng hilux van.

"Susunduin ba kita oh doon ka ulit sasabay kay Lid?"

Saglit akong natigilan sa tanong. "Pakihintay nalang ako." Ayoko ng sumabay ulit kay Lid. Nakakatrauma.

"Okay, mag text ka nalang."

Nag lakad ako at itunulak ang glass door ng building ng driving school. Pag pasok ko palang ay namataan ko agad ang lalaking nakangiti at lumapit sa akin. Ngumiti rin ako sa kanya.

"Hi, I'm Chad again, ako yung instructor mo ngayon umaga."

"Ahhh talaga?" Gulat kong sagot. Tumingin ako sa paligid para hanapin si Lid pero wala sya. Nakaramdaman ako ng panghihinayan pero bigla rin nawala ang kaba ko. Mas okay ng si Chad ang instructor ko para makapag focus ako.

"Oo, may meeting kasi si Sir Lid kaya binilin ka nya sa akin. Let's go?" Wika nya saka nakangiting initsa ang daan sa akin palabas.

"Okay." Tumango ako at naunang lumabas.

Pinag buksan ako ni Chad ng pinto sa driver's seat. Lahat ng natutunan ko sa mga naunang session ko kay Lid ay inapply ko kaya mas madali akong nakapag maneho ng maayos. Konting nalang ang mga tininuro sa akin ni Chad.

Aaminin ko na mas relax ako sa driving lesson ko ngayon dahil hindi ko kailangan bantayan ang mga galaw ko. Hindi ko alam kasi kung bakit naiilang ako kay Lid. Sa tuwing titingnan nya ako ay parang sinisilihan ang katawan ko at gusto kong mag tago nalang.

"Magaling na kana mag drive Meg, hindi mo na kailangan mag driving lesson pa." Wika ni Chad pag katapos akong pag buksan ng pinto ng kotse. Tapos na kami sa lesson.

"You think so?"

"Oo, ang totoo ay masarap kang mag drive, nakaka-antok hindi nakakahilo,"

"So pwede na akong kumuha ng kotse ko?" Maligayang kong tanong. Bigla akong na excite dahil naiisip ko ang pag pili ng mga kotse.

Accidental WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon