Chapter 16

14.3K 381 38
                                    

Jealous


Nag lalakad palang ako papunta sa music room ay rinig ko na agad ang taas ng boses ni Mimi habang kinakanta ang isa sa pinaka kumplikadong katang narinig ko. Ang Chandelier by Sia. Competive kasi sya at ayaw ng matatalo. Bigla ko tuloy naalala ang isang pag kakataon na natalo ko sya sa isang battle nung high school kami. Doon kami nag kakilala and that was epic.


Pag bukas ko ng pinto ay nakita ko agad si Mimi na nakatayo sa tapat ng grand piano habang nakapikit naman si Jed na panay ang tiklado sa piano. Si Jed ang isa sa mga music arranger namin ganun din ni Mimi, kilala sya sa music industry at talaga namang magaling at mabait kaya marami nag titiwala sa kanyang artist.


Marahan kong sinara ang pinto at sumandal doon sandali para hindi masira ang momentum ni Mimi sa pag kanta.


"Sustained high notes with vocal crack just like Sia. Impressive." Puri ko pa kay Mimi pag katapos ng kanta. Ngumiti sya at inilagay ang isang kamay sa bewang na parang proud na proud sa sarili. Umiling nalang ako. Narcissistic talaga.

"I know right, I'm so good!"

Ngumiti ako at nakaisip ng kapilyahan. "But I'm better than you, remember, I beaten you up in the battle of the bands."

"Shut up!" Umasim ang mukha nya. "You won because of those stupid judges!"

"Yeah, but still I beaten you up."


Ngumiti pa ako ng mapang asar. I saw the frustration in her eyes and oh boy, I really love teasing her because she's such an easy prey when it comes to this. Inirapan nya ako at umupo para uminom ng tubig. Saglit akong tumingin kay Jed na abala sa panunuod ng isang video sa cellphone nya. Nilapitan ko sya at nanunuod din sa likod nya. Isang American singer ang nabungaran ko.


"Ohhh, Dark horse? C#5? Sino yan?" Tanong ko. When you know music you know a lot about notes and sharps and etc.

"Christina Grimmie."

"Ayos ah, impressive." Tumango pa ako habang nakikinuod.


Mataas sa standard key ni Katy Perry ang dark horse ang ginawa ng babae sa video. Maayos naman kasi si Katy Perry lalo ang lower register nya pero iba kasi ang magaling para sa mainstream audience. Ang magaling kasi sa kanila ay yung kayang mag belt ng high notes just like Charice, who belts insanely good na parang wala ng bukas, well, that's the best part of her voice actually, sadly, she doesn't belting anymore.


Lumapit sa Mimi sa akin kaya sa kanya nabaling ang atensyon ko. Nag usap kami ng tungkol sa mga appointments at mga television appearances namin, pati nga mga hindi namin feel sa showbiz ay pinag usapan din namin. Ganun kami lagi ni Mimi kapag nag kikita, dahil marami talagang plastic sa showbiz, maswerte ka nalang kung may isa kang kaibigan na alam mong hindi ka ilalaglag, parang yung friendship namin. Tiwala ako sa kanya at ganun din sya sa akin.


"Let's go to bar later." Wika ni Mimi habang nainom ng warm water.

Tumingin ako sa kanya at sumandal sa upuan. "Sure, sabihan ko band mates ko."

"Sige, hahatakin ko naman si Zia, doon ulit tayo sa bar ni Fortune para libre." Ngumisi pa sya.

"Sige."

Tumingin sya sa mata ko bago nag salita. "Let's invite them?"


Hindi ko alam kung sinong them ang tinutukoy nya pero parang may pakiramdam na ako kung sino. Bigla akong naging uneasy dahil bigla ko din naalala ang naging eksena namin sa bahay nila Tammy. Isang linggo na rin pala ang lumipas. Hindi na rin ako bumalik sa driving school dahil tapos na ang sessions ko at mabuti yun para hindi ko na makita si Lid.

Accidental WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon