29th

391 24 5
                                    

< Anna Grecque's PoV >


"Jade, magaling ka sa Science, di ba?" -Seryosong tanong ni Dann.

"Bakit?" -Jade.

"Kapag ang lason ba naexpire na, effective pa rin ba?"

"Ha? Anong klaseng tanong ba yan, Danniela?"

"AT SINO NAMAN ANG LALASUNIN MONG BALYENA KA?" —Charlotte.

"NAGBO-VOLUNTEER KA?"

"NO THANKS."

"Ano nga, Jade? Effective pa ba?"

"Hindi ko alam, try mo."

"ANONG TRY KO! E KUNG MAMATAY AKO!"

"Edi ibig sabihin, effective na lason pa siya."

"GAGA KA! PANO PA AKO MANGLALASON E PATAY NA AKO?!"

"HAHAHAHAH, hindi ko na alam. Hahahah."

"BOBA KA NAMAN PALA E!"

 

At sabay na tumawa si Jade at Charlotte.


"Girlash! Gusto ko maghanap ng papabolls sa college building! Samahan niyo ko lumandi! Dali!"


Monday na Monday ay sobrang ingay na naman ni Dann. Wala ata talagang araw na tatahimik ang isang to. Ngayon ay isang ordinaryong araw. Pero sa hindi maipaliwanag na dahilan ay kanina pa ako hindi mapakali. May tao kasing laman ng isip ko parati.

 

"Wag ka ngang magulo, Danniela! Hindi mo ba napapansin na kanina pa tayo pinagtitinginan ng mga tao?" -Charlotte

"Matagal na akong head turner! Sa ganda ko ba naman na to! Sinong di mapapatingin?"

 

Kanina pa nga kami pinagtitinginan ng mga tao. Hindi ko alam kung bakit pero simula pa ng pumasok ako ay pakiramdam ko ay palaging may nakatingin sa akin. Pakiramdam ko ay pinag-uusapan ako.

 

"Seryoso to, nagbubulungan sila habang nakatingin sa atin." -Puna naman ni Jade.


Nasa canteen na kami. At naging mas malakas ang bulungan ng mga tao. Hindi ko na lamang sila pinansin at nanatiling nakayuko ang ulo habang kinakain ang sandwich na gawa ni Jade.

Splaaaaash!

Nagulat ako sa malakas na pagbuhos sa ulo ko ng spaghetti. Isang buong order ng spaghetti ang nagkalat sa sahig habang yung iba ay nadikit na sa buhok at uniform ko.


"Hey bitch!" -Bati sa akin ng isang magandang babae. Matangkad. Maputi. Sopistikada. Sobrang ganda, hindi nga lang ang ugali. Ang lakas ng loob niyang lapitan ako. Mag-isa lang siya a. Walang kasama.


'Sino naman 'to?'

Napatayo na rin sila Charlotte at Dann pero nagawa silang pigilan ni Jade.


"Such a flirt queen! Hindi ka pa nakuntento kay Xyrus kaya nagpapansin ka kay Leo. And now, you realized na wala kang mapapala kay Leo kaya balik kay Xyrus ka na naman. Such a user! Social climber!" -Sabi nito.

She's YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon