3rd

890 66 16
                                    

< Xyrus Benz Cosimūs’ PoV >

DUUB

DUUB

LUBB

DUUB

DUUB

LUBB

DUUB

DUUB

‘Tsss. Bakit ba kinakabahan ako sa tuwing nakikita ko ‘tong amazonang to?’

Tumigil siya sa mismong harap ko. Tiningnan niya ang mga bagay na nasa paanan ko. Tapos ngumiti siya ng nakakaloko.

“What do you want? Wala akong oras na makipaglokohan sayo. So tell me, bakit nasa harapan kita ngayon?” -Mayabang na sabi ko.

“I want you.”

( @____@ )

( @____@ )

( @____@ )

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. May gusto pala sa akin ‘to eh. Kaya pala. HAHAHHA Dapat dito nire-reject.

“I’m sorry about how you feel towards me. But you’re not my type.”

Pero ngumisi lang siya sa sinabi ko. Di ba dapat tatakbo na siya ngayon at magkukulong sa banyo ng mga babae para umiyak?

“I want you… to MOVE.”

‘What?’

“My locker is next to yours. So move.”

‘Fvck! Inuuto ako ng isang ‘to!’ Para naman akong tangang sumunod sa kanya. Nakatulala pa nga ako. Buti nga ay walang ibang tao dito. Dahil kung meron man, puputulin ko ang dila niya para hindi niya ipagkalat ang nangyari ngayon! Kahihiyan ‘to sa pagkalalaki ko.

Nakita ko namang binuksan niya ang locker niya. Nagulat ako! Dahil gaya ng akin, ay may mga bagay din na nahulog mula rito. Madaming roses. Pinabayaan niya  lang ang mga ito at hindi man lang binigyan ng kahit na isang sulyap.

Kanino naman kaya galing yan? So may nagbibigay din pala sa kanya ng ganyan. WOW! Second Day pa lang niya sa school na ‘to. Sikat na kaagad! Tssss. Ano bang magugustuhan ng mga lalaki sa kanya eh ang putla-putla nga niya.

Nang matapos siyang kumuha ng gamit sa locker niya ay pinulot niya lahat ng flowers na nasa tapat niya. Lumapit siya sa akin at ibinigay ang mga bulaklak. Binigyan ko naman siya ng ‘what-are-you-doing’ look. Na-gets naman niya ang pinaparating ko. Ngumiti siya ng kaunti.

“Sayo na. Kanina mo pa tinitingnan eh. Mukhang gustong-gusto mong iuwi.” –At naglakad na siya palayo.

Natulala ako! Literal na tulala. Grabe talaga! Mukha akong tangang nakasunod ang paningin sa kanya hanggang sa siya ay tuluyan ng makalayo. Maya-maya pa ay naglakad na rin ako. Nang marating ko ang isang itim na na pinto. Binuksan ko ito.

Amoy flowers. Walang duda. Mahilig nga talaga siya sa bulaklak. Malinis ang kabuuan ng kwarto. Kulay pink ang walls nito. Gaya pa rin ng dati, nakaka-relax mag-stay dito. Gaya nga ng sabi ng may-ari ng kwartong to, nakaka-refresh talaga. Kaya siguro hindi niya pinapa-renovate ito.

“Xyrus, anong dahilan at napadaan ka?” –Sabi ni Andy habang umiinom ng kape. “Oh you brought some flowers. Para sa akin ba yan?” Napatingin naman ako sa mga bulaklak. Nawala sa isip ko na hawak-hawak ko pa nga pa pala ito. “Ay! Hindi pala para sa akin ‘yan.” Dagdag niya pa. Umupo ako sa upuan na katapat ng office table niya. Tumayo naman siya at kinuha ang mga bulaklak na inilapag ko sa lamesa niya. “Akin na ‘to ah? Alam ko namang wala kang pagbibigyan nito eh. Galing lang din ito siguro sa mga admirers mo.” Inayos niya ang mga bulaklak at isa-isang inilagay sa malaking vase na malapit sa cabinet niya. “So, what brought you here? Anong gusto mong pag-usapan natin?”

She's YoursWhere stories live. Discover now