23rd

431 49 13
                                    

< Anna Grecque’s PoV >

Sabay pa rin kaming pumasok ng classroom ni Xyrus gaya kaninang umaga. Alam kong laman kami ng usapan ng karamihan sa mga taong nandito. Nang dumako ang tingin ko kay Jade ay ngumiti ito ng bahagya sa akin. Nakipagbiruan naman si Kris kay Xyrus na nasa likuran ko.

“Ang gwapo a. Sinagot ka na ba?” –Kris

“Tsk. Manahimik ka na lang.” –Rinig kong sagot ni Xyrus sa kanya.

“You may now start answering.” –Utos sa amin ng teacher namin pagkatapos ibigay ang test papers.

Matapos kong sagutan yung ay ipinasa ko na ito kaagad kay sir.

“Ikaw ulit ang unang nakatapos, that’s good.”

Tumango na lang ako sa sinabi niya at bumalik na sa upuan para hintayin ang iba pa na matapos sa test na ibinigay. Hindi sinasadya pero napatingin ako kay Xyrus. Naka-focus lang ang mga mata niya sa test paper niya. Sobrang dedicated niya sa pag-aaral. Parang hindi mo iisipin na may nililigawan siya.

Nakaramdam ako ng antok kaya inayos ko ang upo ko para mas makaayos ng pwesto ng pagtulog. Inaantok talaga ako kahit na wala naman akong ginawa buong Sabado at Linggo.

“Time’s up. Pass your test paper. Finished or unfinished.” –Sir

Hindi ko naman pinansin ang bagay na ito dahil kanina pa ako natapos sa pagpasa ng papel ko kay sir. Maya-maya pa ay lumabas na siya. Pero bago siya lumabas ay ipinaliwanag muna niya na wala ang susunod na teacher namin. Nagsigawan naman ang mga kaklase ko sa tuwa.

Magandang balita yun dahil makakatulog ako ng mas matagal. But unexpectedly, mas lalo akong hindi makatulog dahil sa ingay na gawa ng mga kalalakihan sa classroom. Alam kong nakapaligid sila kay Xyrus at dahil magkatabi lang kami ng upuan ay rinig na rinig ko ang usapan nila.

“Good mood a.”

“Gvgo to, kanina ka pa naka-smile a. Joker na masyado.”

“Hahahaha. May nililigawan na kasi! Nagbibinata e.”

“Dapat sinisiguro, totoo ba?”

“Yes.”

Ramdam ko ang biglang pagbilis ng tibok ng puso ko nang sabihin niya ito. Napa-oooh naman ang mga kalalakihan sa paligid niya at napa-gasp ang mga babae. Hindi ko sila nakikita dahil nga sa natutulog ako.

‘Natutulog nga ba? O tamang sabihin na nakikinig? O gulay!’

Para namang nasa live interview si Xyrus sa isang radio station at ako ay isa sa mga tagapakinig niya. Isa sa mga masusugid na tagapakinig niya.

‘Anong sabi ko?’

“At aprobado ng lahat.” –Rinig kong sabi ng isang pamilyar na boses. Si Kris.

Papaanong aprobado ng lahat? Anong pinagsasabi ng isang ‘to?

“And who’s the lucky girl?”

Alam kong ako ang tinutukoy nila pero hindi ako nag-angat ng tingin. Sobrang swerte ko ba talaga? What the! Patuloy lang ako sa pagtulog. O sabihin na nating pagpapanggap na tulog. Naging mas malakas naman ang ginawang pang-aasar nila Kris kay Xyrus. Sa lakas ng tawanan nila, baka nga pati sa kabilang classroom ay rinig na rinig sila.

Maya-maya pa ay biglang tumahimik ang mga ito. Pinakiramdaman ko naman kung bakit pero nanlamig ang pakiramdam ko. Lalo na nang marinig ko ang paglapit ng isang upuan sa pwesto ko. Alam kong siya ‘to pero pinagdarasal ko pa rin na sana hindi siya. Ayoko naaaaa.

She's YoursWhere stories live. Discover now