27th

370 40 3
                                    

< Kristoffer Chen’s PoV >

Ansaya nitong pinapanood ko. Horror ba talaga ‘to? Bakit natatawa ako? Antanga kasi nung bida! Alam naman niyang hinahabol na siya, e hindi pa siya tumakbo. Yan tuloy, naging chop-chop siya.

 

“Uy! Masyado ng late a! Bakit ngayon ka lang? Ano? Kayo na ba?” –Tanong ko kay Xyrus na kakapasok lang at inaalis ang coat niya. Tae, bakit naghuhubad siya sa harapan ko? Inaakit ba niya ako? Djoke! Hahaha! “Binasted ka?” Tanong ko ulit pero hindi naman siya sumagot. Pumasok na siya sa banyo dala yung tuwalya niya.

 

May saltik ang loko! Hahaha! Buti pa yung love life ko! Abundant na nga! Progressive pa! Para lang akong nagtanim ng maraming talong! Ano connect? Basta ba! Hahaha! Konting kembot na lang, ikakasal na ako kay Jeanne. Joke! Baka bigla akong ipa-salvage ni Vince. Ang ganda talaga ng girlfriend ko. Jeanne Kimberly Fernandez-Chen! O di ba? Sobrang bagay!

 

“Magkwento ka naman, pare! Madami bang pagkain?” –Pangungulit ko kay Xyrus nang makalabas na siya ng banyo. Kaso wala talaga. Hindi ako pinansin.

 

Humiga na ng kama niya si Xyrus kaya naman alam kong wala na talaga siyang balak na pansinin pa ako. Kahit na nga siguro mangulit pa ako sa kanya ay hindi na niya ako pagtutuunan ng atensyon. Kinabukasan…

 

“Pwede isang kiss?” –Tanong ko kay cupcake nang malapit na kami sa classroom niya. Hinahatid ko kasi siya para sigurado akong walang lalapit na lalaki sa kanya. Ano ba? Akin lang si Jeanne!

“Cupcake, that’s PDA.” –Naiilang naman na sabi niya.

“Sa CR na lang kaya.”

“OMG, Kristoffer!”

“Joke lang. Ang cute mo talaga!”

“I know! You should go. Your class is about to start.”

Nakaka-nosebleed talaga na kasama ‘tong girlfriend ko. Buti na lang ay madami akong dalang tissue sa bag ko. “Basta mamaya a! Kiss ko! Dapat mahaba a!”

 

Tumango naman siya kaya nang pumasok na siya sa classroom niya ay nagtatalon ako sa tuwa. Wala akong paki kung pagtingin ako ng mga tao dito. Basta ang importante, may isang mahabang halik ako kay Jeanne. Ang gwapo ko talaga. Masyadong makamandag ang powers ko.

Pumasok ako sa room na ngingiti-ngiti. Andaming nag-iingay pero wala akong paki sa kanila. Hahahah. Himala, andito na si Anna. Isa pang himala, wala pa si Xyrus. Lumipas pa ang 10 minuto bago dumating si Xyrus. Hindi ito ang usual na pasok niya. Nung umalis naman ako ng cabin ay nakabihis na siya a, pero bakit kararating lang niya?

 

“Uy!” –Tawag ko sa kanya pero dinaanan lang ako ng loko. Diretso lang ang tingin niya at parang walang paikalam na umupo sa upuan niya.

 

Kadalasan, kapag dumarating siya ay itatabi niya ang upuan niya kay Anna. Pero ngayon, hindi. Hindi rin naman nagbibigay ng pansin dito si Anna dahil mukhang natutulog ito. May mali dito sa dalawa. Nag-attend lang ng party ay may cold war na kaagad. Hindi nga ako mag-aatend ng party na kasama lang si Jeanne. Baka kasi magkaroon din kami ng cold war.

Ganyan lang ang naging ayos nila simula ng pumasok ang mga teachers namin. Nang mag-break at lunch naman ay parang ganun din. Sabay pa rin naman silang kumain sa iisang table sa canteen, ang pinagkaiba nga lang ay hindi sila nag-uusap. Panay lang ang kain nila. Kanya-kanya. Walang pakialamanan. Para tuloy silang hindi magkakilala at naupo lang sa iisang lamesa dahil wala ng bakante pang lugar.

She's YoursWhere stories live. Discover now