26th

384 50 10
                                    

< Anna Grecque's PoV >

"Ano nga yung binulong sayo ni Xyrus kagabi?"

Ika-17 na tanong na sa akin ito ni Charlotte. Ang kulit-kulit niya. Hindi ko maintindihan kung saan nanggagaling ang kakaulitan niya pero sobrang kulit niya talaga.

"Anna naman, kwento!"

Pati si Laida nahawa na rin kay Charlotte. Pang-34 na niya ‘to. Ewan ko ba dito sa mga ‘to, sabik na sabik malaman ang sinabi ni Xyrus e wala namang maitutulong yun sa mga buhay nila. Hindi naman sila yayaman o ano. Tsk!

"Huy babae! Ano nga kasi yun?"

Lalo na tong isang ito. Ika-52 na tanong na sa akin ito ni Dann. At masasabi kong siya ang pinakamakulit. Buti na nga lang at busy si Jade sa pag-aaral. Kilala ko rin itong isang ‘to, alam kong kukulitin din niya ako. Kagabi nga ay ayaw na niya akong patulugin dahil hindi pa rin ako nagsasalita. Panay lang ang ngiti ko sa kanya.

Kaya naman ganun na lang din ang ginawa ko dito sa tatlo, nginitian ko na lang din sila dahil ayoko talagang magkwento. Wala akong plano. Wala akong sasabihin.

"Class dismissed." -Sabi ng huling teacher namin.

Kasalukuyan akong nag-aayos ng gamit nang mabilis akong hatakin ni Dann at Laida. Nahulog pa nga ang mga notebooks ko. Nakita ko naman itong isa-isang pinupulot ni Jade at ipinapasok sa bag ko. Panay naman ang tawa ni Laida na nasa unahan ko. Kasunod na din namin si Jade.

"Ano ba? Bitiwan niyo nga ako!" -Malakas na sigaw ko dito sa dalawa.

"Hindi pwede, girl. Aayusan ka namin!" -Nakangangang sabi ni Dann.

"Oo nga. Para naman mahimatay si Xyrus pagnakita ka niya!" -Patawa-tawa namang sabi ni Jade.

"Isa pa, wala kaming tiwala sa pagpapaganda way mo! Baka nga hindi ka pa mag-make up mamaya!" -Nakangiting sabi ni Laida.

"Pagnapahiya si Xyrus diyan sayo, naku! Susulutin siya ni Danniela!" -Nakangising sabi ni Charlotte.

"Hi Anna!" -Masayang bati naman sa akin ni Jeanne na kakapasok lang dito sa kwartong pinagdalhan sa akin nitong apat.

What the hell! Stay away from me, you five!

*****

"Ang ganda mo!"

"Naku! Siguradong mapapalingon ang kahit na sinong lalaki sayo dun!"

"Uy, tandaan! Ang lahat ng ito ay para kay Xyrus! Hindi sa iba!"

"Ang ganda mo nga, Anna!"

"Papaanong naging ganyan ka kaganda? Nakakaloka! Magkano pagpapabelo mo? Everyday ka nagpapaderma noh?"

Pinabayaan ko na lang silang lima at inayos ang tayo ko. Long gown kasi itong suot ko. Free flowing din siya sa bandang baba. Sakto naman sa upper body ko yung fitting. Backless. Color brown. Four inches naman tong sapatos ko. Same color din. Tapos may black na bag. Medyo pahabang pouch yung itsura niya.

"Binubugaw niyo ba ako dito sa damit na 'to?" -Tanong ko sa kanilang lima dahil hindi talaga ako komportable sa suot ko.

"Huy! Anong bugaw! Manahimik ka nga! Mahal kaya yang gown na yan! Galing pa yang Europe, babae ka!" -Charlotte.

Sa kanya kasi galing itong damit. Kakabili lang daw ng mommy niya last week. Mahilig kasi mangolekta ng gown itong si Charlotte. E supported naman ng nanay, kaya ayan, ganyan.

She's YoursWhere stories live. Discover now