25th

407 45 4
                                    

< Anna Grecque’s PoV >

SUNDAY. Nandito ako ngayon sa opisina ni Xyrus. Kahapon pa siya nandito. Nasa harap siya ng laptop niya at abalang-abala sa pag-aasikaso ng mga proposals at presentations niya para sa Racing Club. May isang contest daw kasi na gusto niyang salihan ng club at malapit na yun kaya ito siya ngayon, nagsusunog ng kilay para sa ikabubuti ng club.

“Can you make me some coffee?” –Tanong niya. Ganyan na siya ngayon. Hindi na siya basta-bastang nag-uutos sa akin gaya ng dati. At nasa sa akin na rin kung susundin ko siya o hindi. Gaya na nga lang ngayon.

“No.”

Sinamaan niya ako ng kilay. Ano to, bakla? Hahaha! “Is this because of yesterday?”

Sabi kasi niya sa akin kahapon, hindi daw ako masarap magtimpla ng kape. E bakit nakakaapat nga siya minsan? Hindi daw yun dahil sa nasasarapan siya kundi dahil sa kailangan niya ng kape. Pinagtitiyagaan nga lang daw niya yung kapeng gawa ko noon. Grabe din naman siya magtiyago, noh? Kaya naman hinding-hindi ko na siya gagawan pa ng kape, ever.

“No.” –Maikling sagot ko at ipinagpatuloy na ihanda yung kakainin namin dahil tanghali na rin. Dinalhan na rin kasi kami ng pagkain ni Jeanne. Kailangan na lang ngayon ay kainin ang mga ito habang mainit pa. “Kain na tayo.” Yaya ko kay Xyrus.

“Ang dami a.”

“Gawa ni Jeanne.”

Nagsimula na kaming kumain na dalawa. Magkatapat lang naman yung inuupuan namin. “Okay na lahat?” Tukoy ko dun sa inaasikaso niya.

“Isa na lang.”

“Kelan daw siya pipirma?”

“This week? Not sure.”

Nagpatuloy kami sa pagkain. Wala ng nagsasalita sa aming dalawa. Sana lang ay matapos na ni Xyrus yung mga gawain niya. Masyado na kasi siyang occupied ng mga proposals na ‘to. Paniguradong kahit si Kris ay napapansin na rin ito. Bagay na ugali talaga ni Xyrus. Dedicated siya sa isang bagay na kasama siya. Basta ba nasimulan na niya ay parang naging parte na ito ng buhay niya.

"Try this." -Sabi niya sa akin pagkatapos niyang idip sa dipping yung tempura na ipit-ipit nung chopsticks niya.

Sinusubuan niya ako gamit yung chopsticks na gamit rin niya. Indirect kiss? Stop, Anna! Hindi ito ang unang beses pero sobrang naiilang ako ngayon. Binigyan ko naman siya ng nagtatakang tingin pero walang silbi. Nakatingin lang siya sa akin. Cool na cool. Siyang-siya. Mas nilapit pa niya sa bibig ko yung tempura. Kaya naman ay binuka ko ng dahan-dahan yung bibig ko. At isinubo niya ito ng tuluyan sa bibig ko.

 

"Ito pa." -Muling sabi niya habang sinusubo naman sa akin yung slice ng chicken.

Naiilang ako pero ibinuka ko pa rin yung bibig ko. Mabilis kong inubos yung natitirang kanin sa plato ko. Para na rin makaalis na ako sa pwesto ko dahil naiilang na talaga ako sa ginagawa niyang pagsubo-subo sa akin. Nang matapos na ako ay mabilis akong tumayo. Pero...

“Maggulay ka pa." -Muling saad niya na hinawakan pa ang braso ko at hinila ako papaupo. Again, kinain ko na naman ang inaalok niya sa akin. "Here." Dagdag niya habang isinusubo sa akin ang isang gulay.

She's YoursWhere stories live. Discover now