14th

558 47 18
                                    

< Jade Gonzales’ PoV >

“WHAT WAS THAT FOR?” –Pasigaw na tanong ni Charlotte nang tapunan ng mainit na kape ng isang babae si Anna.

“That is for pushing Jeanne!” –Sabi naman nito na idinuduro pa si Anna.

“HINDI NAMAN PALA IKAW YUNG ITINULAK, BAKIT ANG INIT NG DUGO MO?” –Pagtatanggol ni Charlotte.

 

Hinawakan ko ang kamay ni Charlotte dahil tumayo na ito sa kinauupuan niya. Mukhang may balak na makipagrambulan pa si Charlotte dito sa mga papansing mga babae.

Buti na lang talaga ay wala dito si Danniela dahil may lagnat siya ngayon. Pakiramdam ko kasi ay makikipag-join forces pa siya kay Charlotte pagnagkaroon ng pagkakataon.

 

“Huy, Charlotte. Pwede bang wag kang mangialam dito! Hindi ikaw ang ipinunta namin so get out of the way!”

 

Magsasalita pa sana si Charlotte pero binuhusan rin siya ng Juice.

 

“Tama lang na magkakasama kayo. Pare-pareho naman kayong mga pangit!” –Dagdag nito na nakatingin pa sa akin.

“Lahat ng tao ay maganda. Hindi nga lang sa mata ng insecure.” –Bulong ko pero sapat pa rin ang lakas para marinig niya.

“How dare you! Ugly!”

“Di ka talaga nadadala! Pwes! Wala kang paki kung pangit man kami.” –Charlotte

“I’m not talking to you!” –Sabi na naman niya kay Charlotte. Muli na naman niya akong pinasadahan ng tingin. “Hi there, ugly duckling.”

“Maybe I’m today’s ugly duckling but at least, I’m the future’s beautiful swan.”

“Ang kapal ng mukha mo!”Sigaw niya sa mismong mukha ko. Hindi na ako muling sumagot pa. Humarap na siya kay Anna. Hinubad niya ang sapatos niya at pinagtatapon ito sa kanya.

 

Hindi naman pinansin ni Anna ang ginawa nito at dire-diretso lang na tumalikod at naglakad papalayo. Nakita ko silang ngingisi-ngisi pa nang tumama ang isang hills nila sa likod ni Anna. Hindi naman ito pinansin ni Anna. Sumunod naman kaagad kami ni Charlotte.

Muli akong tumingin dun sa mga babaeng nanggulo sa amin. Kung ikukumpara sa mga taong pisikal na nambu-bully sa amin ay sobrang kaunti nila. Tatatlo lang kasi silang sumugod. Pero, madaming hakot na audience.

 

“Nakakairita talaga yang babaeng yan!”

 

“Buti nga sa kanya!”

 

“Porket matalino na nanakit na kaagad!

 

“Kawawa naman si Jeanne kaya bagay lang yan sa kanya.”

She's YoursTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang