15th

564 50 3
                                    

< Jade Gonzales’ PoV >

THURSDAY. Nagsisimula na ang first class namin pero wala pa rin si Anna. Parati na lang siyang late pero hindi naman na nagagalit sa kanya yung mga teachers namin. Matalino kasi siya. Kahit na madalas late at tulog sa klase, hindi siya bumabagsak sa mga exams.

“Where is Anna Grecque? WAG NIYONG SABIHIN NA LATE NA NAMAN SIYA?” –Sir Penolio

Hay! Si Sir Penolio lang pala ang natatanging teacher na naiinis sa tuwing late si Anna. At dahil palagi siyang late, laging galit si sir. Wala pa si Anna kaya ayan na naman si Sir. Parang nag-aalburoto na.

“Si Anna na naman ang hinahanap ni sir.”

“Paborito niya si Anna e.”

Parati nga niyang hinahanap si Anna. Hindi dahil sa paborito niya ito. Lagi niyang sinusubukang ipahiya si Anna sa harap ng marami. At hinding-hindi niya sisimulan ang klase hanggat hindi dumarating si Anna. Hay. Sampung minuto pa bago may pumasok mula sa pinto namin.

“AT BAKIT LATE KA NA NAMAN?” –Galit na galit na tanong ni Sir sa kakapasok lang na si Anna.

“Wala ako sa mood, Pinocchio.” –Sagot naman ni Anna na dire-diretsong nakatingin lang sa kanya.

Nagpigil ako ng tawa. Ganun din naman ang ginawa ng iba ko pang mga kaklase. Kitang-kita ko kung papaano pumula ang mukha ni Sir.

“Everyone, 20 MINUTES REVIEW! Chapter 6-8. LONG QUIZ! TODAY!”

Dali-dali ko namang kinuha ang notebook ko at sinimulang aralin ang pinapaaral ni Sir. Tahimik lang kaming lahat na nagrereview. Lumingon ako sa may bandang likod. As expected, hindi na naman nag-aaral si Anna. Parang wala na naman siyang pakialam.

Pero ang ikinagulat ko ay nang makita ko na ganun din si Xyrus. Wala siyang hawak na libro. Tulala siyang nakatingin kay Anna na nakapatong ang ulo sa desk ng upuan niya. Pinagmamasdan lang niyang matulog ito.

‘Bakit?’

Nang ibaling ko ang tingin ko kay Laida at Kris, pareho silang busy din na nagbabasa. Si Anna at Xyrus lang ang parang may sariling mundo dito.

“FIFTEEN MINUTES!”

Ibinalik ko na ang focus ko sa binabasa ko. Maya-maya pa ay sinimulan na namin ang quiz. Medyo mahirap dahil nga high blood na naman si Sir.

‘Panay ang pame-mersonal niya nitong mga nagdaang araw kay Anna a.’

“Alam mo, Grecque. Kahit na ganyan yang ugali mo, okay lang naman sa akin e. Basta ba magaganda ang resulta ng mga exam mo. Gusto ko yan. Pero mas gusto kong makakuha ka ng itlog.” –Sabi ni Sir nang malaman na na-perfect ni Anna ang quiz na ibinigay niya.

DISCUSS

BREAK

DISCUSS

DISCUSS

LUNCH

DISCUSS

DISCUSS

DISCUSS

DISCUSS

Nakaalis na ang lahat ng tao dito sa classroom maliban na lang sa akin, Anna, Laida, Kris at Xyrus. Pinakiusapan ko si Anna na hintayin ako kaya ganun din naman ang ginawa niya. Nagliligpit pa ako ng gamit habang pinaglalaruan ni Anna yung rubics cube na dala ko. Nakaupo siya sa katabing upuan ko.

She's YoursWhere stories live. Discover now