5th

799 58 11
                                    

< Anna Grecque's PoV >

'Nasan na ba yun?'

Kanina ko pa hinahanap yung mga gamit ko pero hindi ko talaga makita. Sino bang kumuha nun dito? Ipapatapon ko talaga siya sa Ilog Pasig pag nakita ko kung sino mang Poncio Pilato yun.

"Hey!"

'WHAT THE HELL!'

"Woaaah. Chill, Anna." -Sabi niya na nakataas pa ang mga kamay. Haisst, muntik ko na siyang masapak dahil sa sobrang gulat ko. "Come. You'll be wasting your gown if you'll stay here forever." Inabot niya sa akin ang kamay niya. "By the way, you look so wonderful." Binigyan ko naman siya ng nakamamatay na tingin.

"Kung niyaya mo lang ako na maging partner sa gabing 'to para diyan sa pambobola mo, well, I'm going home."

"Just kidding. Let's go, my lady."

Naglakad na kami papunta sa hall na pagdadausan ng Welcoming Party para sa lahat ng seniors (Grade X to XII) sa DIU. Nang makarating kami sa entrance ng hall ay nagkaroon kami ng isang espesyal na pagpapakilala. Ganun talaga siguro kapag President ng Student Council ang kasama mo.

"And now, we have the oh-so-handsome president of our Student Council. No other than, Mr. Vince Dencourt with the very lovely Miss Anna Grecque." -Sabi ng emcee ng maglakad kami papunta sa upuan na kinaroroonan ng mga kaibigan ni Vince.

Nasa unahan ang lamesa nila at nasa may bandang gitna rin ito. Nang makarating kami rito ay inalalayan akong makaupo ni Vince.

"I thought you're not coming." -Baling ng isang lalaki kay Vince. Chen ata 'to.

"Akala ko rin hindi eh. Pero na-cancel yung meeting kaninang 2 pm."

"And you're with someone."

"Oh yes, everyone. This is Anna." -Tawag ni Vince sa atensyon ng mga nasa lamesa na kinaroroonan namin. "Anna." Tumingin naman siya sa akin. "This is Kris and Laida."

"Nice meeting you!"

"We're classmates. Remember?" 

Ngumiti lang naman ako bilang sagot sa mga sinabi nila.

"Laida, nasan sila Andy?"

"Nasa labas si Xyrus. Si Andy may inaasikaso."

"I'll go guys. I'll help Andy out."

"You owe an explanation, Vince."

"Yes, I know."

At tuluyan na ngang umalis si Vince. Maganda ang pagkakaayos sa hall. Parang nasa hotel ka lang din. Medyo maingay din sa paligid dahil may maliliit na kwentuhan ang nagaganap sa bawat lamesa.

"Mukhang may hahabol pa." -Sabi ng emcee sa mic. "For this coming pair, we have no other than, Mr. Xyrus Benz Cosimūs. And he's with... a new face. A very beautiful visitor of the party I guess."

( O____O ) Ako

Naagaw ng isang pares ang atensyon ng lahat. Lahat sila ay nakatingin sa dalawang taong paparating. Hanggang sa makaupo sila sa tapat ko. Nagbatian silang lahat nina Kris at Laida.

Hindi ko na sila pinansin pa. Pero nararamdaman kong may mga pares ng mga mata ang nakatingin sa akin.

'Hindi ka pa rin talaga nagbabago?'

She's YoursWhere stories live. Discover now