1st

5.7K 142 46
                                    

< Kristoffer Chen’s PoV >

Nasa Private Room kami ngayon ng barkada.  CENTRO ang tawag namin dito. Kasunod ito ng building ng Dorm ng mga babae. Ako, si Laida, si Andy, si Vince at si Xyrus lang ang nandito. Napagpasyahan naming mag-stay muna dito. Tutal, bukas naman ay first day na ng school year. Panigurado, magiging busy na naman kami.

“Guys, naka-post na daw ung results ng First Exam. Let’s check our ranks.”

Every year kasi ay nagkakaroon ng Exam bago mag-start ang school year. Three days before ng first day binibigay ang exam na yun. Then, day before first day of classes nilalabas ang results. Admission Exam ang tawag nila dun.  Kahit na iba-iba ang subjects na kinuha namin ay obligado pa rin kaming kumuha nun.

“Topnotcher na naman niyan si Xyrus.” –Laida

 

Yes, si Xyrus nga ang laging top one. Ever since first year high school, kanyang-kanya na ung titulo ng pagiging top one. Mayabang yan, di lang niya pinapahalata. Shy type kasi siya. Djoke! Pa-humble lang yan. Pinupuri na naman kasi. Hahaha.

“There are newbies. Let’s go, tingnan natin ang rankings.” –Andy

“Okay, nag-utos na si Directress Damocles. Hahaha!” –Ako

“Shut up!”

You’ve read it right. Si Andy ang Directress ng Damocles International University. Bata pa yan, pero impressive yan pagdating sa pagha-handle ng mga bagay-bagay. Gaya na nga lang nitong university, siya ang unang taong dapat purihin sa success ng school na ‘to. Minsan lang namin siya makasama kasi busy din siya sa studies niya. Mas matanda siya sa amin ng dalawang taon kaya ahead din siya sa amin.

Tumayo na kami. Pero napansin ata ni Andy na nakahiga pa rin sa sofa bed si Xyrus.

“Let’s go, Xyrus. Lumabas na ang result ng Exam.”

 

Hindi naman na nagsalita si Xyrus. Tumayo lang siya at nauna ngmaglakad. That means, kailangan na naming sumunod. Sabi sa inyo eh, shy type yan. Hahaha

Nang makarating kami sa board ay may apat na guard ang nagbabantay ng results. Dito kasi, kami nila Andy lang ang dapat na maunang makakita ng lahat ng results ng exam. Yan ang dahilang kung bakit bantay sarado ang Board of Results.

RESULT OF ADMISSION EXAMINATION

GRADE XII

1.       GRECQUE, Anna

2.       COSIMŪS, Xyrus Benz O.

3.       DENCOURT, Vince A.

4.       YAZAWA, Adelaida H.

5.       CHEN, Kristoffer S.

‘And who’s Anna Grecque? New student? Ang galing naman niya. Natalo niya si Xyrus. What? NATALO niya si Xyrus!’

Tumingin ako kay Xyrus, nakatingin pa rin siya sa results. Hindi siguro makapaniwala. Kahit din naman ako e. Inakbayan ko si Xyrus na nanlulumong nakatingin sa board.

She's YoursWhere stories live. Discover now