30th

299 12 3
                                    

< Jade Gonzalez's PoV >

Nang magising ako ay mabilis akong naghanda para sa klase sa araw na ito. Monday ngayon at kelangan ko munang dumaan sa Club ko since ilang araw na lang ay darating na yung mga iinterviewin namin para sa ipapublish na newspaper sa buwan din na ito. Nagluto na ako ng almusal namin ni Anna. Pagkatapos kong kumain ay naligo na kaagad ako at nagbihis ng uniporme. Inayos ko ang buhok ko sa tapat ng salamin at nang mapagdesisyonan kong handa na ako ay kinuha ko na ang bag ko.

Lumapit ako sa kama ni Anna dahil kailangan ko na siyang gisingin. Ang oras ng alis ko ay ang siya namang oras ng gising niya. Dati ay hirap na hirap akong gisingin siya dahil noon ay madalas niyang binabalewala ang pagpipilit ko na gisingin siya. Ngayon ay nagbago na siya, impluwensiya din ito ni Xyrus sa kanya. Kapag ginigising ko siya ay madali na itong kumikilos para paghandaan ang klase namin.


"Anna?" –Hawak ko sa nakatalukbong na si Anna.


Mabilis kong kinuha ang sapatos ko at sinuot ito. Wala si Anna. Isang magkakatabi na unan lang ang nandito. Nasan kaya siya? Tinext ko siya nang papunta na ako sa club ko pero wala akong nareceive na reply. Sana naman ay nagkakamali ako na lumabas na naman siya. Tinawagan ko din siya pero hindi ito sumasagot. Panay lang ang ring ng cellphone niya.

Nakita ko sa di kalayuan si Xyrus na papasok sa office ni Andy. Maaaring hindi pa niya alam. Hindi kaya nakidnap si Anna? Tss. Kelan pa ba ako naging OA mag-isip?


"Ako lang ba dito yung may boyfriend na kapag kadarating lang ng allowance namin ay nireregaluhan ang isa't isa ng mga cute at sweet na bagay? Tapos after ng araw na yun ay mag-eskype kami. Kasi miss na miss namin yung isa't isa kahit na nagkita kami hours ago. Tapos darating yung point na magtititigan na lang kami, walang sinasabi, basta nagtititigan na lang sa webcam?" –Tanong ni Cha sa amin ni Danniela habang umiinom ng tubig.


On the way kaming tatlo sa mga club namin. Nagkataon lang na sabay-sabay kami since tatlong facilities lang ang pagitan ng building ng Literary Club sa Racing Club.


"Ako lang ba dito yung kapag kadarating lang ng allowance ay uuwi kasi walang boyfriend. Makikipag-skype kay daddy para sabihin na nakuha ko na yung allowance ko. Tapos kapag tapos na yung call, sympre papatayin na yung laptop. Alangan magtitigan kami ng webcam? Sad life, nyeta." –Danniela

"Pretty mo sa part na yan, so wala ng forever?" –Cha

"HAHAHHA. Wala kasi kaming lovelife, di namin alam yan!" –Ako

"Wala daw? Edi bigyan ng lovelife." –Sabi ni Cha at niyakap pa ako. Napataas na lang ng kilay si Danniela sa ginawa ni Cha. Niyakap ko din naman siya.

"Ang plastic mo, friend."

"Ewan ko sa inyo, guys. Basta ako, aral muna. Para naman makatulong ako sa mga magulang ko." 

"At ang dakila mo naman, Jade."


Nagpaalam na yung dalawa dahil andiyan na yung building nila. Magkaiba kasi kami ng estado ng buhay. Kapwa mula sa mayamang pamilya si Danniela at si Cha. Nasa pulitika ang tatay ni Danniela habang nasa business naman ang parehong mga magulang ni Cha. Nagtuloy-tuloy naman ako sa club ko.

 

"Okay ka lang?" –Tanong sa akin ni Danica. Hindi kasi ako mapakali at kanina pa ako patingin-tingin sa phone ko, inaasahan na darating ang reply ni Anna kahit na ni minsan ay hindi pa siya nakakapagtext sa akin.

She's YoursWhere stories live. Discover now