Chapter 53: Abducted

23K 1.2K 1.3K
                                    

Keziah's PoV:

"Hay nako, my dear ex step-daughter. Hindi naman ako nainform na may lahi ka na palang kidnapper ngayon."

"Ugh! Shut up, my evil ex step-mother. Kailangan kasi 'to ng baby ko."

"Okay, okay. Sino ba kasi 'tong kinuha natin?"

"Malalaman mo rin mamaya. Maghintay ka lang dyan."

Nagising ako dahil sa mga boses na naririnig ko. I'm pretty sure na hindi lang 'yun isa. Dalawa silang nag-uusap. At alam kong babae sila.

Hindi na nasundan muli ang pag-uusap. I can feel na nasa malapit lang sila. Pero hindi ko alam kung bakit pero pamilyar na pamilyar sa akin ang presensya at boses ng mga taong 'yun.

Suddenly, realization hits me like a truck. Nagflashback sa akin ang nangyari.

Naalarma ako bigla. Damn it! Nakidnap ako!

Mygoodness. Ang laki-laki ko na para makidnap. Sino naman kaya ang may gawa nito sa akin? At para saan? Isusumbong ko talaga sila kay Mommy!

What should I do now?

Sinubukan kong galawin ang katawan ko but to my dismay, hindi ko kaya. Parang nakatali ang kamay at paa ko. I guess' I'm sitting on a chair right now.

Hindi rin ako makasigaw lalo na't may takip ang aking bibig. Hindi malinaw ang paningin ko. I'm seeing black. Mukhang may nakatakip din sa mga mata ko ngayon kung kaya't hinfi ko maaninagan kung nasaan ako.

Fuck. Ganto pala ang feeling kapag nakidnap ka. Akala ko ay sa mga movies ko lang 'to mapapanood.

After ng ilang try ay sumuko na rin ako sa pagpupumiglas. Wala rin namang saysay. Magsasayang lang ako ng lakas.

I'm just silently hoping na walang gawin sa aking masama ang mga kumuha sa akin. I don't need to be bothered dahil alam kong may gagawin ang parents ko para sa akin once na malaman nilang nawawala ako.

Akmang matutulog na sana ako nang marinig ko ang ilang yapak ng kung sino. Papunta ang mga 'yon sa akin. I gulped and prepared myself.

Oh gosh. Andito na sila.

"Reveal it. Excited na akong malaman kung sino 'to. I want to punish this person for what she did to your baby."

"Yeah, right. Suit yourself."

In an instance, naramdaman ko na lang na natanggal ang pagkakatakip sa aking mata.

Automatic na nanlaki ang aking mata nang makita ang mga taong dumukot sa akin.

What the hell is the meaning of this?!

"Oh my gosh! Bakit ang babygirl ko ang kinidnap natin?" Mommy said. Yes, ang mismong mother na pinagmanahan ko.

Rumehistro rin ang gulat sa kanyang mukha. She covered her mouth in shock. Sabay kaming nakatingin kay Tita Yana na ngayon ay bored na bored na nakatingin sa amin.

"Argh! What is the meaning of this, my dear ex step-daughter?" Mommy exclaimed. Parang nagpapanic na sya.

"I told you the reason. Para 'to sa baby Pen ko at nang maging masaya naman sila." Pag-eexplain ni Tita Yana. "Do you love my daughter, Keziah?"

Mabilis akong tumango bilang sagot. I can't utter any single word lalo na't may nakatakip sa aking bibig.

"Atsaka, hindi ba't ayaw mo na maging sila ng Chelsey na 'yun?" Nagbaling sya ng tingin kay Mommy.

"O baka naman gusto mong maging balae si Francine? Ikaw din. Sige ka. Baka tuluyang maagaw sayo ang asawa mo."

"No! Hindi ko hahayaan na mangyari 'yun!" Mommy quickly yelled.

Sexy DevilWhere stories live. Discover now