Chapter 32: Intimate Talk

20.8K 1.1K 703
                                    

Keziah's PoV:

"Wow. Congrats, Miss Moretti. You're really smart." Amaze na amaze ang professor ko habang nakatingin sa akibg test paper.

I mentally flipped my hair. She's stating the obvious. Duh. Ganyan talaga kapag perfect na.

"Thank you, Ma'am." But still, kailangan kong maging humble. Magpapakaplastic muna ako.

I looked at my classmates. Halatang nahihirapan sila sa test na ibinigay ni Ma'am. I can also see the amusement on their eyes. Of course, may mga naiingit din.

"Since you're done, pwede ka nang umalis."

Mas lalong nagdiwang ang kalooban ko sa aking narinig. Mabuti naman at may sinabi rin syang maganda. I'm tired kf these folks.

I smirked at my classmates. Pang-asar na nagbabye ako sa kanila. At hindi ako nabigo na makita ang reaksyong inaasam ko.

I followed what the teacher said. Now, I'm walking elegantly on the empty hallway of Stanford University. Wala pang students akong nakikita na pakalat-kalat. Well, 30 minutes pa kasi bago magbreak time.

I decided na magpalipas oras na lang sa place malapit sa quadrangle. I closed my eyes. Mas makakapag isip-isip ako nito.

Hmm... what should I do next? Sasabihin ko ba kay Penelope ang plano kong pag-alis?

Nahhh. Wag na. Para saan pa? Wala naman syang pakielam. Magmumukha lang akong desperada.

I heaved a deep sigh and cleared up my mind. I guess, ieenjoy ko na lang ang remaining days ko rito sa University. Besides, nakaayos na rin ang mga papers ko. Ako na lang ang inaantay.

Napapikit ako nang mariin. I hope, I can get rid of my feelings in the future. Mas maganda kung magkaibigan na lang kami ni Penelope para hindi complicated.

"What are you doing here?" I snapped into reality because of that. Mabilis na napatingin ako sa gawi ng taong nagsalita.

Agad na naningkit ang aking mata nang makita ang isang pamilyar na professor. Damn. Sya na naman. Kelan nya ba ako tatantanan?

Nakatayo sya hindi kalayuan sa pwesto ko. She's looking at me intently. Ngayon ko lang napansin na napakalalim ng kanyang mata. Yung tipong ikaw na mismo ang mapapaiwas ng tingin.

"Nagrerelax po ako, Ma'am." I said. Diniinan ko na ang pagsasabi ng Ma'am para mas damang-dama nya ang respect ko.

She started to make my way towards me. Blangko lang ang kanyang expression.

"I don't like the tone of your voice." Walang kaemosyon-emosyon nitong turan. "Here, take this."

Automatic na nagsalubong ang dalawa kong kilay nang makitang kulay orange na papel ang ibinigay nya sa akin.

That is a sign of violation. Yellow, Orange, Red, at Black ang ibinigay na papel sa mga students. Bawat isa ay may kalakip na parusa.

"What?! Ano namang ginawa kong violation?" I exclaimed. I have the rights para magcomplain. "Atsaka, wala man lang bang warning?"

"Nope. You disrespect me for the second time around. I won't let this pass."

Argh! Sino ba ang babaeng ito? Ang lakas ng loob nya huh?! Hindi nya ba ako kilala? Never in my life na makakuha ako ng ganitong card. Ngayon lang.

I groaned. Hindi sya makatarungan!

"How about you, Ma'am Celine? Anong ginagawa mo rito? Hindi ba dapat nasa classroom ka at nagtuturo?" Hindi ko maiwasang mapangisi sa nakikita kong naging reaksyon nya.

Sexy DevilWhere stories live. Discover now