Chapter 35: Pageant Preparation

17.6K 1K 684
                                    

Keziah's PoV:

"What's with the face?" Tanong ni Dylan sa akin. He's sipping a Choc-O drink while boredly looking at me.

I heaved a sigh and plastered a fake smile. "Nothing. I'm just thinking something."

"More like someone." He said in a duh tone. He even rolled his eyes on me. "Tsk. If I know, iniisip mo na naman siguro ang kakambal ko."

"What are you talking about? Paano naman sya nasali sa usapan natin?" I let out a forced laugh. Sa totoo lang ay nagulat ako pero hindi ko 'yun pinahalata sa kanya.

"Stop lying at me. Akala mo siguro ay hindi makakarating sa akin na sinaktan mo ang kapatid ko. You even make her cry to the point na sumasakit na ang tenga ko kakarinig ng hikbi at hagulgol nya."

This time, I was horrified. He said that while directly looking at my eyes. And his gaze, parang nagbabanta ang mga 'yon. So Scary.

Damn. Parang si Tita Yana ang kaharap ko.

"Oh wait, hinahanap na pala ako ng mga kaklase ko sa booth namin. I gotta go. See you later, Dylan." I stood up. Hindi ko na inantay pa ang kanyang magiging sagot dahil kumaripas na ako ng takbo papalayo.

Actually, palusot ko lang yung sinabi ko kay Dylan. For sure kasi ay bobombahin nya ako ng mga tanong. I really admire their family. Kahit hindi mo pa sinasabi, alam na nila agad.

"Hello po Miss Keziah, pwede po bang magpapicture?" A two freshmen suddenly appeared infront of me. They're looking at me with so much admiration. I think, kasama sila sa fansclub ko.

"Sure. Wala namang magagalit, right?" I said while giggling. They should be thankful dahil bumabait na ako. Don't worry, babalik din ako sa pagiging demonyita.

They took three pics with me. Tsk. Dapat talaga ay ginagawa ko na 'tong business.

Maraming students ang nagkalat ngayon. May iba't ibang booth na bukas. May mga palaro at activities din na finafacilitate ang school. Well, today is the Foundation Week of Stanford University kung kaya't parang may piyesta sa loob ng campus. We can also wear whatever we want.

I heaved a deep sigh. Today is the fourth day of my dating subscription. Hindi ko masyadong nakasama si Penelope noong isang araw at kahapon dahil may practice sya ng pageant.

Hmp. Sayang talaga. Dapat hindi qualified ang mga araw na 'yun eh.

Since naikot ko na rin naman halos ang mga booth ng iba't ibang department, might as well pumunta na lang ako sa gymnasium na nasa North. Apat ang gymnasium ng school. Sa South ginaganap ang basketball, habang sa West naman ang volleyball. Extra lang 'yung sa East.

I started to make my way towards the gymnasium. Malayo pa lang pero may mga nakikita na rin akong mga studens na nasa labas.

Mga participants at teachers lang ang allowed sa loob. Talagang ginagawa nilang secret sa public eye ang pageant.

I took a peek. Maraming mga candidates akong nakikita pero wala naman sa kanila ang hinahanap ko.

"Anong sinisilip mo dyan?" Napatalon ako sa gulat nang may magsalita bigla. Damn. My heart's beating so fast lalo na't alam ko kung kaninong boses yun.

"You shouldn't be here." Walang emosyon nyang saad. May kinuha sya mula sa kanyang bulsa. It was a white card.

"Argh! Bakit may violation na naman ako?" Hindi ko maiwasang mapasimangot. Trip nya ba talaga ako?

"It's obvious. Students are not allowed in this perimeter." Miss Celine said. She's plastering her usual bitchy face.

"Pero baki——" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang makitang parang bulang nawala ang mga students na nakasilip dito.

Sexy DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon