Chapter 18: Let the War Begin

22.2K 1.2K 1.1K
                                    

Keziah's PoV:


"Class Dismissed." Saad ng professor namin na syang nagpagising sa diwa ko.


Pagkatapos ng nangyari kaninang umaga, parang wala ng pumapasok na ideya sa isipan ko. Lutang ako kumbaga.


Don't worry, I'm pretty confident naman na makakasagot ako if ever na tawagin ako ng mga professor namin. Ganyan talaga kapag matalinong maganda katulad ko.


Naglalaro sa isipan ko ang mga possibilities if ever na tanggapin ko ang suggestion ni Autumn. Her idea lingers on my mind.


Nag-aalala ako na baka hindi maging successful. Na baka, niloloko ko lang ang sarili ko na magseselos talaga si Penelope sa amin. Masasayang lang ang lahat.


Isang malalim na buntong-hininga ang aking ginawa. Wala naman sigurong masama kung magtatry diba?


I stood up at nagsimulang maglakad papalabas. I am planning to go to Autumn's toom para masundo sya at makausap sya.


Napakamot naman ako sa aking ulo nang maalala kong hindi ko nga pala alam kung saang department nakabase si Autumn.


But wait. As far as I remember, puti ang id lace nya. Ang tanging puting lace lang naman sa Standord University ay ang mga students na nag-aaral ng medicine.


I followed my guts kahit na hindi ako sigurado. Of course dahil maganda ako, maraming nakatingin sa akin.


"What are you doing here Keziah?" Nakakunot-noong tanong ni Dylan sa akin nang makasalubong ko sa kanya. "Ang layo-layo ng building mo sa amin ah."


Dylan is pursuing a doctor's degree. Wait. Baka kilala niya si Autumn since nasa iisa silang building. Maitanong nga.


"May hinahanap lang ako Dylan. May kilala ka bang Autumn?"


"Marami. Autumn ano ba?"


I mentally slapped myself. Aish. Tanging first name lang talaga ang alam ko sa kanya.


"Autumn lang kasi ang alam ko. She has a white skin like milk. Mahahabang pilikmata. Ang ganda rin ng mata nya. Almost perfect face. Parang may lahi syang Russian." I described her habang inaalala ko ang kanyang unique features.


"May kilala ka bang ganong Autumn?"


"Meron." He answered while nodding his head. I sighed in relieved. Mabuti naman. "Turn around."


Kahit naguguluhan, ginawa ko na lang ang sinabi nya. Ganon na lang ang pagkagulat ko nang masilayan ang babaeng kanina ko pa kinakausap.


"Too much for the description. Gandang-ganda ka siguro sa akin Keziah." She said while looking at me boredly. I bit my lips. Bakit parang nahihiya ako bigla?


"So, bakit mo ako hinahanap?"


"Well, kakausapin talaga kita tungkol sa offer mo." I said in a low tone. Mahirap na at baka marinig ni Dylan. Knowing him, magsusumbong yun kay Tita Yana kapag nalaman nyang involved ang kanyang twin.


Gumuhit ang mapaglarong ngisi sa labi ni Autumn. "Good job. Mabuti naman at nauntog ang ulo mo sa katotohanan Keziah. Trust me, magseselos sya."


"Sinong magseselos?" Nakakunot-noong tanong ni Dylan na andito pa pala hanggang ngayon. He's curious on our conversation.


I gulped. "Wala la——"


"Ang mortal na kaaway ni Keziah na nanghalik sa kanya sa library." Ramdam na ramdam ko ang panlalamig ng buong katawan ko nang marinig ang sinabi ni Autumn. I'm stunned in my spot.


Sexy DevilWhere stories live. Discover now