Chapter 6: Shut her up

23.2K 1.3K 1.3K
                                    

Keziah's PoV:


"Anong nangyayari dito?" Sabay kaming napatingin sa taong nagsalita. Automatic na napakunot-noo ako.


At sino naman tong lalaking cheap na umeeksena sa amin ngayon? He have the guts huh?


Hindi pamilyar ang itsura nya sa akin. I think, ngayon ko lang nakita ang mukha nya. Maybe he's a transferee. Since I have an extreme intelligent, kabisado ko ang mga mukha ng mga students na nakakasalamuha ko sa araw-araw. Duh.


He's not worthy of my attention kung kaya't ibinaling ko na lang ang tingin ko sa bitch na kaaway ko ngayon.


But to my surprise, Penelope's looking— oh scratch that, she's fucking gawking at him! Kitang-kita kong parang nagningning ang mga mata nya. Parang sya yung mga nakikita ko sa anime na nagkakaroon ng heart sa eyes kapag nakikita yung mga crush nila.



"Ang pogi.." Mahinang saad nya habang nakatulala pa rin sa lalaking umeeksena sa amin ngayon. Mabilis na napasimangot ako.


Really? Napopogian sya sa lalaking to? I'll be honest. May itsura sya pero hindi gwapo. That's it. At may nafefeel din ako sa kanya. May nasasagap akong kung ano.


"Stop fighting. Wet na wet na kayong dalawa." I heard he said.


I rolled my eyed in annoyance. Oo, talagang pinakita ko yun sa kanya. Duh. Pakialamero. Ni hindi pa nga ako nakakabawi sa bitch na to.


Naglakad sya papalapit sa amin. "Here, use this towel to wipe the stain on your uniform." He's talking to bitch beside me.


Mabilis na kinuha ni Penelope ang towel. "T-Thank you. Nag-abala ka pa." Nauutal nitong saad. She even tucked a strand of hair on her ear.


Hindi ko mapigilang umirap sa nakikita ko. Great *insert sarcasm here*. So anong role ko dito? Makita ang landian ng dalawang to? Actually, hindi sila bagay.

At eto namang si Penelope, kung makaasta parang dalagang-dalagang pilipina eh. Bakit pag sa akin parang isang tigre sya?! Ang plastic. So unfair.

Iginala ko ang aking tingin sa buong cafeteria and damn, nasa amin pala ang atensyonng lahat. For sure ay may mga nagpipicture at magpopost nito sa internet.

Ibinalik ko ang aking tingin. Pero ang pinagtaka ko ay nang makitang hindi maalis-alis ang tingin ng lalaki sa akin. Hindi ba dapat kay Penelope sya nakatingin?


I can see that he's contemplating on saying something. "Keziah h-here... You can use my coat. Everyone's staring at your body. Nakikita na kasi." He said while offering his coat.


Napataas-kilay naman ako dahil don. I'm not bothered kung nakikita ng maraming student ang katawan ko. I'm confident with my body lalo na't alam kon may maipagmamalaki naman ako noh. They can only look but they can never touch me.


"Wag mo na syang pilitin kung ayaw nya." Pagsabat ni Penelope. "By the way, can I know your name?"


"Jayden. Jayden Cordova at your service."


"I'm Catalina Penelope Rivas. Nice to meet you. And I want to thank you once again Jayden."


Ugh! Ang pangit naman magpacute ng babaeng to. Trying hard. Para syang worm na inasinan. Ang ligalig. Hindi mapirmi sa kinalalagyan nya.


Sexy DevilWhere stories live. Discover now