Chapter 12: Provocative

22.5K 1.3K 1K
                                    

Keziah's PoV:


Ilang araw na ang nakakalipas pero patuloy pa rin si Jayden sa ginagawa nya sa akin. Para syang aso na panay ang buntot sa akin.


Ugh! He should be thankful and I'm being considerate to him. Kung hindi ko lang talaga sya kailangan sa plano ko, matagal ko na syang dinispatya.


Malayo pa lang pero tanaw na tanaw ko na sya sa labas ng classroom ko. Napailing na lang ako sa kawalan. Parang nakakawalang gana tuloy pumasok. Sira na agad ang araw ko sa kanya.


But for the sake of my plan, bibigyan ko sya ng kaunting pansin at oras.


"Hi!" Labag sa loob na bati ko sa kanya. Nakita ko kung paano nagliwanag bigla sa saya ang kanyang mukha.


"Good Morning Gorgeous." He said and flashed his brightest smile. Hindi nya ako madadala sa ganyan. Never! Feeling gwapo.


"Uhm... here." Ibinigay nya sa akin ang dala-dala nyang 2 box ng cupcake. He's really persistent. "I hope magustuhan mo yan. I baked it for you."


I plastered a fake smile. "Thank you for this Jayden. I appreciate your time and effort in doing this. Mas lalo kang nagiging gwapo."



I saw a tint of redness on his cheeks. He's flustered dahil sa sinabi ko. Wow. Masyado nya ba talaga akong gusto? I can't blame him naman. Maganda ako.


Sadly, hindi ko kinakain ang mga pagkain na binibigay ni Jayden sa akin. Who knows? Baka nilagyan ng gayuma yun o spell. Mahirap na. Binibigay ko na lang yun sa mga classmates ko. Share your blessings ika nga nila.


I'm so mabait right? Pwede na siguro akong maclassify as an angel.


On my peripheral vision, kitang-kita ko ang pagdaan ng isang dragona. Nandoon na naman ang usual resting bitch face nya. I know for sure na mapapadaan sya sa direksyon namin. Mukhang malalim ang iniisip nya.


Isang ideya ang biglang sumagi sa aking isipan. Hindi ko maiwasang mapangisi. Damn. I'm really brilliant.


"Hindi na ako magtatagal Keziah. I don't want to disturb you. I'll go now." I looked at Jayden once again. He was walking away from me.


"Wait Jayden." Pagpigil ko sa kanya. I saw that he's confused kung bakit ko sya tinawag. Nagsimula akong maglakad papunta sa kanya. I leaned closer and quickly encircled my arms on his nape.


Mas idinikit ko pa ang aking katawan sa kanya. I can smell him. So manly. I don't like it. Mas gusto ko yung sweet. Gusto ko rin na malambot yung katawan ng taong niyayakap ko katulad ni  Pen—- no one.



Hindi rin bumibilis ang pagkabog ng puso ko. Hindi ko nararamdaman ang kakaibang feeling kapag hinahawak ko sya. Isang tao lang talaga ang nagiging dahilan ng pagpipiyesta ng buong sistema ko.


"See you later at lunch." I whispered. Hindi ko nakalimutang bigyan sya ng halik sa pisngi bago ako tuluyang lumayo sa kanya.


I pushed Jayden away since parang naestatwa na sya sa kanyang kinatatayuan. He's not moving any muscle. Nakatitig lang sya sa kawalan habang nakaawang ang kanyang bibig.


Mukhang pinoproseso pa ata ng utak nya  ang ginawa ng crush nya which is me. Ganyan din siguro ang reaksyon ko if ever na ginawa yan sa akin ng crush ko. Too bad, I'm not liking anyone.


"Keziah!!" I heard someone yelled my beautiful name. Dahan-dahan akong nagbaling ng tingin sa direksyon nito.


It was from my great nemesis, Penelope. Galit na galit. Hindi na maipinta ang kanyang mukha. She's clenching her fist na para bang anytime ay pwedeng-pwede nang manapak.



Sexy DevilWhere stories live. Discover now