Chapter 28: Penelope's Plan

19K 1.1K 876
                                    

Penelope's PoV:

Kahit na nanlalabo ang aking mata, nakuha ko pa rin na makapagmaneho pauwi ng bahay. My tears are rolling nonstop down of my cheeks. Sinubukan kong punasan ang mga ito ngunit hindi pa rin talaga tumitigil ang pagluha ng aking mga mata.

Mabilis na pinagbuksan ako ng guard ng gate namin. Wala sa sariling napatingin ako sa kalapit naming bahay.

In an instance, nagflashback sa akin ang tagpong inabutan ko kanina. My heart is aching. I can hear it breaking.

Fuck it. Napakaswerte mo Keziah at iniiyakan ka ng isang katulad ko. Never akong umiyak ng ganto kanino man. Tanging sa kanya lang.

Maybe, nagiging masokista at marupok na ako pero si Keziah pa rin talaga ang mahal ko.

Nanghihinang napasandal ako sa driver's seat.

Stop crying Penelope. Hindi ka pwedeng makita ng ganto ng Mommy mo. Paniguradong magtatanong sya.

I tried my very best to conceal the sadness on my face. Mabuti na lang talaga at lagi kong dala ang shades ko. I used it to cover my puffy eyes.

Tsaka lang ako bumaba ng aking sasakyan nang masigurado kong namaster ko na ang aking poker face.

My lips forming a tight lip smile nang makapasok ako sa loob ng bahay namin. The maid are greeting me habang ako ay deadma lang.

Mabilis na napahinto ako sa paglalakad nang makita kong nasa Living Room sila Mommy at Dada. I think, they're watching something. Ang sweet ng position nila.

I heaved a sigh. Dahan-dahan kong inihakbang muli ang aking mga paa. Kailangan kong maging maingat para hindi nila ako mapansin.

Nakahinga ako nang maluwag dahil nasa may elevator na ako. Fuck. Bakit ang tagal bumaba ng elevator namin?

"Babygirl! Andito ka na pala!" Napapikit ako nang mariin. That's the voice of my Mommy. Naloko na.

"Come here, baby."

"I-I can't." I said while stuttering. Muntik nang magcrack ang voice ko.

"Baby girl what happened? Hindi mo ba kami gustong makita?" Malungkot na saad ni Dada. Up until now ay nakatalikod ako sa kanila.

Now, I'm contemplating on what I should do. In the end, humarap na lang ako para hindi na sila maghinala pa.

I heard they gasped in shock.

"Bakit ka naman nakashades anak?" Tanong ni Dada. Nakakunot ang kanyang noo habang nakatingin sa akin.

"Mainit kasi yung araw. Nasisilaw ako Dada." I reasoned out. Sumilay ang mapaglarong ngisi sa labi ni Mommy.

"You're lying, babygirl. Better luck next time." Saad nya at umiling-iling pa. Now, I mentally slapped myself.

Damn. I'm really dumb. Nakalimutan kong umuulan nga pala ngayon.

Tinapik-tapik ni Mommy ang kanyang tabi na para bang sinasabi nya na umupo ako doon. Walang imik na sumunod ako. I guess, mapapaamin ako ng wala sa oras.

"What's wrong Penelope? Why is your voice's cracking? Namumula din ang mata mo."

"H-How did you know?" Hindi makapaniwalang tanong ko. I'm really surprised. May magic ba si Mommy?

"Matalas ang mata ng Mommy mo, Penelope. Wala kang maitatago sa kanya." Dada said while giggling.

Unti-unting nabawasan ang sakit na nararamdaman ko. They're the best.

Sexy DevilWhere stories live. Discover now