Chapter 47: Explanation pt. 1

22.3K 1.2K 1.2K
                                    

Keziah's PoV:

"Ahm... Err." I'm lost with words. Parang hindi nagfafunction nang maayos ang isipan ko. Nabablangko ako.

All of their eyes are on me. Inaantay nilang lahat ang sagot ko. Pero parang masama ang kutob ko sa alok ni Tita Yana.

There's a meaningful smirk on her lips. Tingin pa lang ay kakabahan ka na agad.

Damn. Feel na feel kong mahahot seat ako nito kapag nagkataon. I should make a reasons para hindi ako makasama. Gagawa muna ako ng palusot.

"Ahm... I'm sorry, Tita Yana. Pupuntahan ko pa kasi 'yung cafe shop ko. Next time na lang." I said at nagkunwaring nalungkot pa. Idadaan ko na 'to sa pangmalakasan kong acting skills.

"Babygirl, wag ka na muna pumunta sa cafe shop mo. May bukas pa." Mommy said. This time, nalungkot din sya. "Hindi mo ba namiss si Tita Yana?"

"Hindi po." Natuptop ko bigla ang aking bibig nang marealize ko kung anong lumabas na salita sa akin.

"At bakit hindi? Takot ka bang magisa kita ngtanong?" Mabilis na tirada ni Tita Yana. Nakapameywang na sya. Nakataas na rin ang isa nyang kilay.

I glanced at Mommy's direction to ask for help. Mukhang naintindihan naman ni Mommy Samantha 'yun.

Oh see? Tita Yana said it already. Talagang gigisahin nya ako ng tanong.

But I guess, I should answer it with all honesty. After all, alam kong wala naman akong ginagawang masama. Ang anak nya pa nga ay gumawa sa akin ng masama.

"Hey.. kalma lang, my dear ex-step daughter. I'm pretty sure na nagbibiro lang ang babygirl ko."

"Let's go now to the dining hall, shall we?"

I nodded my head. I heaved a deep sigh. Wala na talaga akong magagawa.

Mabagal ang hakbang na sumunod ako sa kanila papuntang dining room. Agad na tumambad sa akin ang iba't ibang pagkain. Halatang pinaghandaan nila Mommy at Dada.

"Ayaw mo bang tumabi sa amin, Keziah?" Tita Arshen said. Wala akong nararamdamang kakaiba kay Tita Arshen. It was pure.

"Thank you, Tita. Pero dito na lang po ako sa tabi ni Dada at Mommy." I said and plastered a small smile. Syempre, kailangan ko ng back-up noh.

We prayed first before finally eating. Wow. Ang sarap-sarap talaga ng luto ng parents ko. It was full of love. Halatang hindi napilitan.

Nagsimula silang magkwentuhan. Nakatuon lang ang atensyon ko sa pagkain na kinakain ko. Kailangan ko 'tong maubos agad para naman makaalis na ako rito.

"I miss you damn much, Keziah. Marami kang utang na kwento sa akin." Napahigpit ang pagkakahawak ko sa kubyertos. Fuck. Eto na ang simula.

I swallowed a lump bago ako nag-angat ng tingin. Agad na sumalubong ang matatalim na titig na ipinupukol ni Tita Yana. Sakto pa talaga na sya ang kaharap ko.

"So... How was your life in other country, Keziah?"

"It was fine, Tita. I learned a lot. Nag-enjoy din ako ng super lalo na't wala akong bantay." Sagot ko. Narinig kong napahagikgik silang lahat.

"I see. That's good. You learned to be more independent." Tita Arshen said at nagthumbs-up pa sa akin. I agree with her. "Ang dami mo na palang napuntahang bansa."

I smiled. Yes, marami na nga. Actually, I'm planning na puntahan ang lahat ng bansa sa buong mundo. I want to achieve that bago ako magthirty. I told you, ineenjoy ko lang ang 20s life ko.

In fact, my parents are encouraging me to do that para raw wala akong pagsisihan sa huli.

Akmang magsasalita pa sana ako nang magsalita muli si Tita Yana.

Sexy DevilDove le storie prendono vita. Scoprilo ora