Chapter 1: War in Position

52.6K 1.5K 2.2K
                                    

Keziah's PoV:


"Waaahh! Nandyan na yung list ng overall ranking."


"Oo nga girl and this semester, for sure ay nasa top 5 na naman si Keziah."


Napairap ako dahil don. Excuse me!? Hindi lang ako pangtop 5 noh! Sa ganda kong to? Pang top 1 syempre.


But still, I keep my composure. May breed ako. At kapag may class ka, hinding-hindi ka nangsusugod ng mga poorita na nilalang.


"Wow. Ang galing. She's so smart. Maganda. Mayaman. Famous. Sana maging katulad nya rin ako."


Hindi ko maiwasang mapangisi nang marinig ko yan. Oh sweetie, wag mo nang pangarapin na maging ako. I'm unique. Pero sige na nga, hahayaan na kitang mangarap since libre lang naman yun. But remember, never kang magiging ako.


Taas-noo akong naglakad papunta sa announcement hall. Don't worry, ang Stanford University ay hindi cheap na University. Malakas ang aircon ang lugar na pupuntahan ko. I'm not gonna sweat at all. Duh.


I'm really excited na makita ang overall ranking. And oh, mind you guys, hindi to ordinaryong ranking lang. Hindi sapat ang talino para makapasok ka sa top 10. Infact, pinagbabasehan din ang looks, popularity, reputation, at panghuli ay kung gaano ka kayaman.


It's a pride after all kung ikaw ang nangunguna sa lahat. Napakalaki ng advantages at opportunities kapag mataas ang rank mo. May special treatment pa.


Automatic na napataas ang isa kong kilay nang makita ang napakaraming students ang nagtitipon sa isang mahabang board. I guess, don nakapaskil ang ranking.


"You!" Itinuro ko ang isang student na napakalapit sa akin. "Tell me kung bakit hindi nakaflash sa screen ang name ng mga students?"


He startled and even pointed at himself. I groaned mentally. Ugh! He's so dumb. Sya nga mismo yung kinakausap ko.


"Uhm... P-Pinalitan daw po kasi ng mas malaki yung screen Miss Keziah since nasira yung dati." Nauutal nitong saad at tumungo pa.


Argh! Sasabihin ko nga tong nangyari ngayon kay Mommy. Well, she's one of the shareholder in this University. Ang hassle tuloy. Ayaw ko pa namang nakikipagsiksikan sa crowd. Baka mamaya ay may germsnat bacteriang dala ang mga peeps dito.


"Move." Isang salita lang pero sapat na para makinig sa akin ang lahat ng mga estudyante na nakaharang sa aking dinadaanan.


Napangisi ako bigla. Good for them at nakikinig sila sa akin. Oh well, if ever man na hindi, paniguradong bully or much worse ay kick-out ang malalasap nila mula sa akin.


Now, I'm walking elegantly towards the board. Para akong isang reyna na naglalakad sa hallway at lahat ng nasa paligid ay mga kawal at alagad ko.


Unti-unting nawala ang ngisi sa aking labi. Automatic na nagsalubong ang dalawa kong kilay. Kung nakikita ko lang ang sarili ko, paniguradong hindi na maipinta ang mukha ko.


"What the hell?!" I exclaimed. Hindi ko to matatanggap! Hindi makatarungan.


"Well, well, well, are you suprised na makita ang pangalan ko sa unahan?" Saad ng kung sino mula sa aking likuran. Napakuyom ang aking kamao. Boses pa lang pero naiirita na agad ako.

Sexy DevilWhere stories live. Discover now