Chapter 45: Destiny is Playing with Me

21.8K 1.2K 1K
                                    

Keziah's PoV:

"Aalis ka na naman? 'Yan lang ba ang alam mong gawin, Keziah?"

I closed my eyes once again. Biglang nagflashback sa akin an lahat ng ginawa nya.

In an instance, nawala ang halo-halong emosyon na nararamdaman ko. Instead, napalitan ito ng labis na galit, poot, at suklam. I'm mad at her. Ang lakas naman ng loob nyang ibalik sa akin ang sisi. Playing victim huh?

I heaved a deep sigh. Nakamove on na ako. I should face her. I already get over with her. Magmumukha akong bitter kung tatalikuran ko lang sya. Kailangan nyang makita ang bagong ako.

Dahan-dahan akong nagbaling ng tingin sa kanyang direksyon. It's like my world stopped when our eyes met. Nahigit ko bigla ang aking paghinga. My hands are shaking. I'm trembling in fear and anger.

Hindi ko maiwasang pasadahan sya ng tingin. I can say na malaki ang pinagbago nya.

Nagmature ang kanyang mukha. Her hair is now shoulder length at ash blonde na ang kulay nito. Maputla sya. And I think, pumayat sya. She's wearing a fitted long sleeve dress na mahaba ang neckline at may slit sa gilid. Kunting yuko lang ay paniguradong makikitaan sya.

But on top of that, she's still gorgeous on my eyes. In fact, mas lalo syang gumanda. Ganto pala ang feeling kapag kaharap ko ba sya.

I snapped into reality when I realized what I am thinking as of this moment. No! Kailangan kong itigil ang kahibangan na 'to.

I composed myself. Marahas na tinabig ko ang kamay nyang nakahawak sa aking pulsuhan.

"Coming from you?" Hindi makapaniwalang tanong ko. I laughed sarcastically. "Eh ikaw? Ano bang alam mong gawin? Ang saktan lang ako?"

Kitang-kita ko kung paano sya naestatwa sa kanyang kinatatayuan. Her mouth parted a little. She was surprised.

Lihim akong napangisi. That's right, Penelope. Wala na ang Keziah na handang magpakatanga sayo. Alam kong sasaktan mo lang din ako.

"I have my reasons..." She said in a low tone. Nag-iwas sya ng tingin at tinungo ang kanyang ulo. I noticed that she's playing with her hands. I know for sure that she's nervous. Pero bakit?

I shooked my head. "Your reasons is not my business." Nagsimula akong maglakad papunta sa kanya. Tumigil ako sa mismong harap nya. "In short, wala akong pake."

Her mouth went agape. She's looking at me with an unexplainable emotion on her eyes. Damn. Her reaction is so priceless. Talagang gulat na gulat sya.

Nabawas-bawasan ang bigat sa aking dibdib.

Tumalikod na ako. Hindi pa ako nakakalayo nang marinig kong magsalita syang muli.

"Hear my side, Keziah." She said in a pleading tone. "Please. I'm desperate. Hayaan mo akong mag-explain."

Napakuyom ang aking kamao. Kung dati rati ay madadaan nya ako sa please na 'yan, pwes ngayon ibahin nya na.

Atsaka, bakit parang baliktad na? Dati rati ay ako ang nagmamakaawa sa kanyang pakinggan ang side ko. Tsk.

I looked at her once again. Sadness and hurt are the two things that her face plastered. Parang babagsak sya. She's so fragile right now.

"Why? Para saan? Ano namang gagawin ko sa explanation mo?" I scoffed. "Too bad, it's too late." Wala nang magagawa pa ang explanation nya.

"And oh, Keziah's dead. I'm Ziah now. Much bolder, much stronger, and much playful."

I gave her a flying kiss. I turned my back once again at nagsimula nang maglakad papalayo. Ramdam na ramdam ko pa rin ang nakakatunaw na tinging ipinupukol nya sa akin.

Sexy DevilWhere stories live. Discover now