Chapter 21: Penelope vs Autumn

23.1K 1.2K 946
                                    

Penelope's PoV:


"M-Miss Penelope kawawa naman po yung bottle na hawak nyo. Piping-pipi na."


Mabilis na tinapunan ko ng tingin ang nagsalita. It was a guy. He's quivering. I gave her my deadliest stare kung kaya't mas dumoble ang panginginig nya. Serves him right.


"Who the hell are you para pagsabihan ako?" Ayaw ko pa naman sa lahat ang pinapakielamanan ang ginagawa ko. I hate it. Mommy ko nga hindi ako sinisita. Sya pa kaya na walang ambag sa buhay ko?


"C-Classmate nyo po ako. Sorry po." Nauut nitong saad. He bowed his head to me. Patuloy syang nagsosorry


I hissed as a response. Tsk. He should be thankful at wala akong ganang manampal ng dumb shits ngayon.


"You know what, kung wala ka ng sasabihin na maganda, might as well umalis ka na sa harapan ko." Mataray kong turan and shooed him away.


"A-Ano po kase... Mag-iistart na po yung gane natin. Pinapatawag na po kayo ni Ma'am." He said. I looked at him intently. Nakita kong napatalon sya bigla sa takot at kumaripas ng takbo.


Bumaba ang aking tingin sa hawak-hawak kong plastic bottle. He's right. Hindi ko namamalayan na napipipi ko na pala ng husto ang hawak ko.


I heaved a deep sigh. I guess, dito ko naibuntong ang inis at galit ko kila Keziah at sa babae nya. Until now, I don't know her name. O baka nakalimutan ko lang talaga dahil hindi naman mahalaga ang echuserang bitch na yun.


How dare that girl to do that to me!? Pinahiya nya ako. Sino ba sya para umasta ng ganon sa akin? I'm the Queen for pete's sake! Isa pa yang si Keziah. Talagang pinapainit nilang dalawa ang ulo ko.


Keziah's acting as if I'm nothing to her. I mean, ito naman talaga ang hiniling ko. But this is too much! Parang multo na lang ako kay Keziah na lalagpasan nya kapag nagkasalubong kami. I'm frustrated. We can still interact naman pero dapat secret lang.


For the past few days, I can't get Keziah off my mind. Every time I close my eyes, laging sya ang nakikita ko. My heart's beating so fast whenever I saw her. Hindi na rin mawala sa isipan ko ang gabing may nangyari sa aming dalawa.


I'm confused. Naguguluhan na rin ako sa sarili ko. Hindi tuloy ako makagawa ng tamang aksyon.


I'm still gonna try my best na magpapansin sa kanya. Tsaka na lang ako hihingi ng tuloy kay Mommy Yana at Tita Samantha kapag kailangan na talaga.


Nagkibi-balikat ako. I shouldn't think of those things now. Baka mabawasan ang beauty ko ng 0.00001%. Don't worry, never naman mananalo sa akin si Keziah.


I composed myself first bago tuluyang umalis ng changing room.


"Finally, you're already here Miss Rivas. Tamang-tama ang dating mo." Our teacher said sarcastically at pumalakpak pa.


I rolled my eyes on her. She should be thankful at may kapit sya dito sa school dahil kung hindi, matanggal na syang natanggal dito.


Hindi ko na pinansin ang kanyang sinabi at umupo na lang sa pwesto ng team namin. I keep my poker face kahit na alam kong pasulyap-sulyap sa akin ang mga kaklase ko.


"Okay. Before magkaroon tayo ng actual volleyball fight, itutuloy muna natin ang recitation. So yung mga hindi natawag last time, get ready."


I am looking boredly at those peeps na ginagawa ang pinapagaw ni Ma'am. I'm pretty confident with my skills. And oh, natawag na pala ako last time. Of course, ako ang nakakuha ng pinakamataas na grade.


Sexy DevilWhere stories live. Discover now