Chapter 48

3.4K 87 9
                                    

"We're glad you're awake." Rinig kong boses ni Clea, nakita ko s'ya sa gilid ko at agad na lumapit sa'kin si Hannah at Heize.

"Pinakaba mo kami, sis, putik akala namin kung ano na nangyari sa'yo." Bungad ni Hannah at agad naman akong tinulungan ni Heize makaupo. Inabutan din nila ako ng isang basong tubig na agad ko namang ininom.

"I'm sorry. What happened?" I asked.

"You fainted, buti nga at nandoon si Haru para buhatin ka. Gaga, hindi ka namin kaya." sabi ni Clea at sabay pa silang natawa ni Hannah na ikinailing ko naman.

Nilibot ko ang tingin ko pero hindi ko nakita ang dalawa kong kapatid. "Asan sila kuya?"

"Kausap yung docto-oh ayan na." Agad na bumukas ang pinto at pumasok sila kuya na parang parehong sala sa mood.

"Kuya." Tawag ko nung mapansing pareho silang seryoso at tahimik.

"How are you?" Tanong ni kuya Luan bago lumapit sa'kin.

Sila Hannah at Clea naman ay nagpunta room sa sofa at si Heize ay naglalaro lang sa phone n'ya habang si kuya Haru ay nagbabalat ng orange.

"Okay na." Ngumiti ako agad.

"Orange?" Alok ni kuya Haru kaya agad akong tumango at kinuha sa kan'ya.

"Thank you." Naupo s'ya sa kama at si kuya Luan naman ay sa upuan na nasa gilid ko.

"I want to ask you a question." Sabi ni kuya Luan kaya napatingin ulit ako sa kan'ya bago magpatuloy sa pagkain, ang tamis nitong orange.

"Go ahead." Tumango pa'ko.

"Did he touched you?" natigilan ako sa pagkain, pati sila Heize ay natigilan din sa ginagawa nila nung marinig yung tanong ni kuya Luan.

"Y-yes." Binaba ko ang kinakain ko at bahagyang yumuko.

"And you just let him?" Tila inis na tanong ni kuya Haru kaya kinagat ko muna yung labi ko bago huminga ng malalim at tumango.

"H-hindi naman talaga namin gagawin yun nung una pero walang choice." Mahinang sabi ko pero sapat para marinig nila.

"What do you mean?" Tanong ni kuya Luan kaya napatingin ako sa kan'ya.

"Nung sa party, natatandaan mo yung ininom ni Top ang wine mo? It has drug on it at dahil si Top ang nakainom s'ya ang tinamaan imbis na ikaw. They planned to drug you at kung hindi ininom ni Top yun ay baka nagawa nung babaeng kasama mo ang masamang balak n'ya sa'yo." Pagkukwento ko na bahagya n'yang ikinagulat.

"Wait, so your cherry already popped? Why didn't you tell me!?" tampong tanong ni Hannah.

"Stupid, why would she dare to tell you?" pangbabara ni Heize.

"Excuse me? Duhh! We're sister kay-"

"Pero wala kang kaalam-alam nung nagbreak sila." Putol ni Heize kay Hannah.

"Fuck you." Hannah raised her middle finger to Heize that made him chuckle. "Sorry, hindi tayo talo."

"Are you hungry?" Napatingin ako kay kuya Luan ulit, ngayon ko lang napansin na ubos na pala ang oeange na kinakain ko.

Ngumiti ako at tumango. I showed him the small gap between my thumb and index finger. "A little."

"Buy us food." Nag-abot si kuya kay Heize ng pera na agad naman nitong tinanggap. 

"Tara samahan n'yo ko." Sabi ni Heize at umakbay kay Hannah at Clea bago sila hilahin nito palabas.

"Where's that girl now?" Tanong ni kuya Haru kaya napatingin din ako kay kuya Luan.

Light Of Love ✓ (Eclipse series #1)Where stories live. Discover now