Chapter 10

2.8K 92 9
                                    

Sa mundong malupit, kadalasan kapwa tao ang dahilan upang tayo'y mas magpapakasakit. May mga taong sa dahas ay kumakapit, hindi manlang ba nila naisip ang maaring mga kapalit? Mahirap lumaban na nakapikit, mahirap tiisin ang sakit pero mas mahirap kung ang buhay ay nasa bingit.

"Boyfriend mo ba 'yan?" marahas akong iniharap nitong holdaper sa likod n'ya at doon muling nagtama ang tingin namin ni Top.

Hindi ako nakasagot, ano bang dapat kong sabihin? Pag ba sinabi kong oo ay papakawalan ay lalayuan n'ya ko? Ehh kaso baka kung anong isipin ni Top kapag um-oo ako, may topak pa naman 'to.

"Baby kabit mo ba s'ya at dinedeny mo 'ko?" nanlaki ang mga maya ko sa lumabas sa bunganga n'ya.

Sa ganitong oras pa talaga n'ya naisipang magbiro ng ganyan!?

"Nagsisinungaling ka lang, bata, umalis kana para hindi ka madamay" sabi nitong holdaper at tinutok sa kan'ya ang kutsilyo kaya napahinto ang ibang tao na nakakita. Stupid, you just showed to the other people your dark motive.

"I am not a liar actually magse-sex pa kami mamaya. Hindi ko naman alam na mag-isa pala s'yang pumunta rito para bumili ng extra undies, napunit ko kasi yung kan'ya and I'm here to fetch her, we will continue what we started" ngising sabi ni Top at kumindat pa.

Ramdam ko ang pag init ng muka ko, hindi sa kilig kundi sa inis at hiya. Hindi ko gusto ang lumalabas sa bibig nitong lalaking 'to. Nakaka-'what the fuck'.

"Gagawa pa tayo ng baby mamaya 'di ba? Nakalimutan mo na ba? You promised, you will give me reward mamaya that's why I'm here to reminds you and claim it as well" sabi n'ya.

"Tangina, bitiwan mo 'ko sasapakin ko lang 'tong lalaking 'to" inis kong sabi habang masamang nakatingin kay Top na nakangisi ngayon.

Hindi kumibo itong lalaki sa tabi ko kaya inis ko s'yang binalingan ng tingin, narinig ko pa ang kung ano anong sinasabi ni Top na dumadagdag sa inis ko. "Sabi ng bitawan mo 'ko!"

*BOOGSH*

Malakas kong sinuntok 'tong holdaper dahil ayaw akong bitawan. Nanggigigil kong kwenluhan 'tong holdaper, nabitawan n'ya yung kutsilyo nung sinuntok ko s'ya kanina. "Sinabi kong bitawan mo 'ko bakit hindi mo ginawa? Hinayaan mo pang kung ano anong sabihin ng gagong 'yon, nakakahiya!"

Tatlong beses ko lang sinuntok yung holdaper dahil may biglang humatak sa'kin palayo. Dumugo ang ilong at bibig n'ya, nakita ko pang napadura s'ya at may kasama iyong ngipin n'ya. Para s'yang nakakita ng multo habang nakaupo sa lapag at takot na takot ang tingin sa'kin. Muli akong nakaramdam ng inis nung maalala na muntik na n'ya akong hiwain sa likod pero may biglang yumakap sa'kin at kinulong ako sa bisig n'ya.

"Tapos na ang palabas, magsilayas na kayo. Thank you for watching" rinig kong sabi ng lalaki sa likod ko. "And you mamili ka ng hoholdapen mo" tinuro n'ya yung holdaper na nagmamadaling tumayo, inaalalayan pa s'ya nung babaeng mukang clown.

Nangangati ang palad ko, gusto kong manuntok. Napatingin ako sa ibang tao na nakakita, nagulantang sila nang magtama ang tingin namin at agad na nagsi-iwas ng tingin. Kumaripas narin ang holdaper.

"Nice one baby" tinangal n'ya ang braso n'yang nakayakap sa'kin at iniharap ako sa kan'ya, imbis na muka ko ay kamao ang sumalubong sa kan'ya pagharap ko.

"Baby mo muka mo. Pervert!" sigaw ko sa kan'ya wala nakong pake sa mga napapatingin sa gawin namin. Kinuha ko ang bag ko na nasa lapag na nalaglag nung holdaper at pinagpagan ito.

"Tsk nakakailang sapak ka na sa'kin huh" inis n'yang sabi pero inirapan ko lang s'ya. Tumingin sa paligid pero wala akong masakyan, hindi ako sanay tumawag sa ganito.

Light Of Love ✓ (Eclipse series #1)Where stories live. Discover now