Chapter 2

4.3K 118 3
                                    

Matapos kong bumili ng mga chocolates para kay kuya at sa akin, naabutan ko pa si Ivy doon parin sa pwesto namin na nakasimangot ang muka at umiirap pa. Tutok ito sa cellphone niya pero agad ding nag-angat ang tingin nung mapansin ako.

"Nakakainis naman itong mga to." Sabi nito at pinakita sa akin ang phone niya. Halos matawa ako nung makita ang dahilan kung bakit inis na inis siya ngayon.

Theres a lot of his photos or I should say stolen pictures of him. It was posted with a caption, some are calling him baby, husband, and any other endearment which obviously ridiculous for him. Pfft! Kawawang bakla, masiyado kasing gwapo.

"Chill lang, malay mo babae pala talaga ang para sa yo." Pagbibiro ko pero umirap lang siya.

"Psh sige, tumawa ka lang. Pagalitan ka sana niyang kanina pa tawag nang tawag sa phone mo." Sabi niya kaya kumunot ang noo ko at tinignan ang cellphone ko.

Halos manlaki ang mata ko nang makita ang 15 missed calls galing kay manang Aida at 35 missed calls from Boss Haru, ang dami ring texts na pinapagalitan ako.

"Paktay." Mahinang bulong ko, tumawa si Ivy sa naging reaksyon ko kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Akmang tatawagan ko ang number ni kuya Haru nang biglang mag-ring ang cellphone ko, muntik ko pa itong ibalibag nung makita ang pangalan ni kuya Luan na tumatawag. Patay talaga! Lagot nanaman ako nito, nakarating na sa kaniya huhu.

Pinandilatan ko ng mata si bakla at sumenyas na hwag maingay dahil kanina ko pa naririnig ang bungisngis niya.

Malalim akong bumuntong hininga bago sagutin ang tawag. Ibubuka ko palang ang bibig ko nanh maunahan niya ako magsalita. Halos mapatalon narin ako sa gulat dahil halatang galit nanaman siya .

"Where the hell are you?"

"Huh? A-ano... Bakit?" Kinagat ko ang kuko ko at sinandal ang siko sa lamesa. Pinandilatan ko si Ivy at sinipa ang paa niya sa ilalim ng lamesa nung makitang kung sino-sino ang kinakawayan nito. Napadaan pa sa tapat namin yung gwapong bakla kanina sa chocolate store.

"Pogi." Ivy mouthed while pointing at that guy. I just rolled my eyes and shrugged my shoulder.

"Haru called me lately, he told me that you are not answering your goddamn phone. So where are you? Are you okay?"

"I'm okay kuya, no need to worry." Iyan lang talaga ang sinagot ko. Papagalitan pa niya ako kung sasabihin kong nasa mall ako. Nabawasan ang pag-aalala niya kaya kumalma rin agad ang boses niya, hindi kagaya kanina na parang galit.

He took a deep breath. "Thats good but where are you? Hindi mo sinasagot ang tanong ko." Sabi niya. Takte, hinding hindi ko talaga natakasan ang tanong na iyon.

"Pauwi na ako, kuya." Pagkasabi ko noon ay sinenyasan ko si bakla na tara na at mukang na-gets naman nya kasi tumango ito saka kinuha ang ibang mga gamit namin, buti nalang at malapit lang kami sa exit nitong mall.

"Who's with you? Why aren't you with Haru? Dont tell me you didnt go to school?" Napasibangot nalang ako at kinagat ang ibabang labi ko. Kinuha ko narin ang bag ko saka kami nag-umpisa maglakad ni Ivy.

"Baka naman pwede mo kong tulongan puro sa iyo kaya ito, no?" Bulong niya bago i-abot sa isang kamay ko ang paperbags kaya agad ko itong kinuha.

"I'm with my friend kuya at saka iniwan kaya ako ni kuya Haru kanina." Reklamo ko, napatingin ako kay Ivy nung kalabitin ako nito. Huminto siya sa harap ko at itinaas nito ang susi, tinuro pa ang likod gamit ang hinlalaki kaya tumango ako. Hell get the car from the parking lot.

"Friend? Who?" Napatingin ako kay bakla pero hindi siya nakatingin sa akin, ano sasabihin ko? Ivan o Ivy? Bahala na nga.

"Ivy." Pagkasabi ko noon ay napatingin sa akin si bakla kaya umiling ako sa kaniya at sinenyasang mauna na siya kaya tumango ito, kinuha rin niya sa akin ang paperbags na dala ko at naglakad palayo.

Light Of Love ✓ (Eclipse series #1)Where stories live. Discover now