Chapter 45

2K 74 5
                                    

"Your boyfriend's here" napatingin ako kay kuya Luan na nakasandal ngayon sa pinto.

Agad akong sumunod sa kan'ya hanggang sa makarating kami sa sala, nakita ko si Top na nakaupo roon na mabilis na tumayo nang makita ako. Ngumiti ito at naglakad papalapit sa akin.

"Hi." He kissed my cheeks before holding my waist.

"Bakit ngayon ka lang? Hindi ka manlang nagtext or tumawag." Maktol ko dahil iyon ang sinabi n'ya, nagbilin pa s'ya na sagutin ko agad pero hindi naman ako naka-received kahit isang tuldok mula sa kan'ya.

"Nag-shutdown phone ko kaya nung umuwi ako sa dorm ay iniwan ko muna room at hinayaan mag charge." Pagdadahilan n'ya na tinanguan ko naman.

"Hindi mo manlang ba ako babatiin?" I asked.

"I already greeted you. I said hi, remember?" Takang tanong nito na ikinairap ko bago tampalin ang kamay n'ya sa baywang ko at maglakad papalayo. 

"Ohh, where are you going?" nakasalubong ko si Heize sa hagdan.

"Sa kwarto lang." Sabi ko na ikinatango naman nito bago mapatingin sa likod ko, nakasunod sa'kin si Top at nakakunot ang noo habang nakatingin samin ni Heize.

"Who is he?" Heize asked.

"I'm her boyfriend." sagot ni Top at humawak ulit sa baywang ko kaya napatingin doon si Heize.

"I'm Wade Heize Clevis, one of her childhood best friend." Nakangiting pakilala ni Heize tinignan lang ni Top ang kamay n'ya at halatang walang balak makipagkamay, muli nalang nitong ipinasok sa shorts ang kamay at nakangisi.

"Do I look like I care?" Pikon na tanong ni Top.

"No, you just looked jealous."

"And you looked like shit."

"Really? Luna said I'm handsome lately." Nakangising sabi ni Heize, totoo namang sinabihan ko s'yang gwapo kanina, may itsura naman talaga ito.

"I don't care, she's mine." Hinila ako ni Top papunta sa gawi n'ya na mahinang ikinatawa ni Heize.

"Tara na baka makipag away ka pa." Hinila ko agad si Top palayo kay Heize.

"Tsk." Napatingin ako kay Top pero diretso lang ang tingin n'ya kaya napairap ako ulit.

I'm still mad at him. How dare he forgot my birthday.

"Why are you here?" tanong ko pagpasok namin sa kwarto.

"Why kind of question is that? I told you earlier, I'll fetch you up."

"I forgot." I lied, I was actually waiting for him.

"Yeah, of course, you were having a good time with your friend, right?" He sarcastically replied while emphasizing the word 'friend'.

"Are you accusing me?" Inis na tanong ko pero nagkibit balijat lang ang magaling na lalaki at umiwas ng tingin.

Napabuntong hininga nalang ako at umiling. "Top, he's just my friend."

Hindi s'ya kumibo at tumingin lang sa mga gift na nasa study table ko. Ano naalala na n'yang birthday ko ngayon?! Bwisit.

"Bouquet" mahinang sabi n'ya kaya napairap ako. "I thought you loved chocolate than flowers."

"Same lang." sabi ko at naupo sa tabi n'ya.

"Are you mad?" Hindi ako kumibo at tumingin lang sa paa kong natatamaan yung paa n'ya, abot ko yung sahig syempre pero sinadya kong itaas yung paa ko at itunggo sa binti n'ya.

"I'm sorry if I didn't call and text you." Sabi n'ya bago hawakan yung kamay ko. Napatingin ako roon pero naagaw ng atensyon ko ang singsing sa hinlalato ko, hindi ko naman inaalis iyon.

Light Of Love ✓ (Eclipse series #1)Where stories live. Discover now