Chapter 33

2.1K 69 10
                                    

Arche Haru's POV

"Class dismissed"

Agad kong inunat ang braso ko at huminga nang malalim, nakakaantok ang klase, boring pa ang nagtuturo.

"Sama ka sa'min?" Aya sa'kin ni Nate, kasunod n'ya si Glenn na dala narin yung bag nya.

Nag-aaya silang maglaro ngayon ng basketball pero hindi ako sigurado dahil kailangan magsanay ni Luna paguwi, mga two to three hours lang naman ang training.

"I'm not sure pero susunod ako kung pwede." Sabi ko bago kuhanin ang bag namin ni Luna bago lumabas, sumunod din naman sila sa'kin.

"Babe," huminto ako sa paglalakad nang marinig ko ang boses ni Bea.

"Hey, babe!" Agad kong inakbau ang braso ko sa kan'ya na ikinasinghal nang dalawa sa likod.

"Nasaan kapatid mo? ayain ko sanang mag-mall" sabi n'ya kaya nagkibit balikat ako.

"Sama ko."

"Ano ba yan! Dre, napaka bias mo. Nung inaya ka naming mag-basketball ang sagot mo ay hindi ka sigurado pero ngayon sa girlfriend mo sasama ka kahit hindi inaya?" angal ni Nate kaya napatingin kami sa kan'ya.

"Selos ka? Nandito naman ako huh" pang-asar ni Glenn pero nandidiring tumingin sa kan'ya si Nate na s'yang ikinatawa namin. "Kadiri ka!"

"Tara, baka nasa cafe yun sa tapat. Sabi ko ay roon ako antayin" sabi ko at hinila si Bea palayo sa dalawang nagbabangayan.

Pagdating namin sa cafe ay wala roon si Luna kaya nilabas ko yung cellphone ko para i-text s'ya. Nagta-type palang ako nang nag-text na s'ya na ang sabi ay sinundo na ni kuya dahil naiinip s'ya sa tagal ko.

Napakunot pa yung noo ko bago ibalik yung phone sa bulsa at humarap kay Bea. "Nasundo na pala ni kuya Luan, tara punta ka sa'min"

Pumayag naman s'ya kaagad bago kami sumakay sa kotse ko. It took us about twenty to thirty minutes before we arrived at the mansion.

"I'm home" sabi ko pagpasok sa main door. Nakita namin si kuya Luan na pababa palang sa hagdan habang bitbit yung laptop n'ya sa isang kamay.

"Aga n'yo ata, where's Luna?" Tanong nito kaya agad kaming nagkatinginan ni Bea at kumunod ang noo.

Hinawakan ko s'ya sa kamay at agad kaming sumunod kay kuya Luan papuntang sala. "Huh? Nag-text s'ya sa'kin na sinundo mo s'ya." Sabi ko kaya agad s'yang napatingin.

"What? She texted me that she's going to mall with you and Bea." Nilapag NY ang laptop na dala n'ya at nilabas ang cellphone sa bulsa, kinuha ko narin ang cellphone ko at tinext si Luna kung nasaan s'ya.

"Damn! she's not responding." Inis na sabi ni kuya Luan matapos tawagan nang paulit-ulit ang number ni Luna.

"Si Top? Baka kasama n'ya, nakita ko silang magkasama kanina" sabi ni Bea kaya agad kong tinawagan si Top pero naka-off ang phone n'ya.

"Try ko tanungin si Gwen" tumango ako kay Bea bago s'ya paupuin sa tabi ko.

"Shit" napatingin ulit ako kay kuya Luan nung inis n'yang binato yung phone n'ya sa sofa tsaka in-open yung laptop.

"I think it's better if you send your girlfriend home, first" sabi n'ya habang tutok sa laptop n'ya, napatingin ako kay Bea at naguguluhan din s'ya pero pilit lang akong ngumiti at tumayo.

"We will handle this, mag mabuting magpahinga ka nalang sa inyo muna." Sabi ko bago hawakan ang kamay n'ya.

"But-"

"We can handle this, no need to worry, okay?" hinawakan ko pa yung pisngi n'ya bago halikan saglit.

"PDA." rinig kong bulong ni kuya Luan na ikinatawa namin.

Light Of Love ✓ (Eclipse series #1)Where stories live. Discover now