Chapter 39

2K 66 8
                                    

Days flew really fast. Top and I enjoyed staying at the province, kinalimutan namin ang mga problema. Natulog at gumising kami roon na walang inaalalang magulong mundo na babalikan. We discovered new things, isang beses ay sa batis pa kami naligo at sinubukan din namin umakyat sa bundok at inabot kami ng gabi, madaling araw na nga yata nang makabalik kami sa bahay nila tita kaya nasermunan agad kami. Go na go rin naman ang mga pinsan kong sumama sa'min kaya literal na masaya ang naging panunuluyan namin doon.

Pero ang buhay hindi lang puro saya. Kailangan ko na harapin ang katotohanan ngayon. Nilalamon na ako ng kaba at hindi na mapakali dahil ngayon ko rin sasabihin sa mga kapatid ko ang relasyon namin ni Top. Gusto sana n'ya ako samahan kaso ay sabi ko h'wag na dahil kung magalit sila, hindi nila s'ya masusugod agad. Baka pag-initan pa s'ya kapag nagkataon na makasama kaming aamin.

Understanding naman ang dalawa kong kapatid kaso nga lang ay ako talaga 'tong makulit at laging sumusuway sa mga utos. Dapat yata ay pinaghintay ko si Top ng mga ilang buwan pa o isang taon malapit narin naman ako gumraduate, dalawang taon nalang pagkatapos ng taon ngayon.

"Manang nasaan sila kuya?" tanong ko nung hindi ko nakita sila kuya Haru at kuya Luan pag-uwi.

"Hindi ko alam iha, kahapon hindi rin sila umuwi." Sabi nito na ikinakunot ng noo ko, hindi sila umuwi?

"Sige po manang, pasabi nalang sa'kin kapag dumating na sila." sabi ko na tinanguan naman n'ya tsaka ngayon ako bumalik sa kwarto ko.

"Meow" agad akong napangiti at binuhat si Ryan bago dumiretso sa kwarto.

I was busy playing with my cat when my phone suddenly rang. I saw Top's calling so I answered it without hesitation.

"Yes, hello?" Ni-loud speaker ko at nilapag sa kama ang cellphone habang nagpatuloy sa pakikipaglaro sa puso.

"Hey, sinabi ko na sa magulang ko ang tungkol sa relasyon natin." Agad na tinambol ang puso ko sa sinabi n'ya.

"Really? What did they said?" Kinakabahang tanong ko.

He chuckled. "They're happy for us, don't worry, I can sense nervousness in your voice."

I let out a deep sigh. "Kinakabahan ako, wala pa rito sila kuya. Sana ganyan din maging reaksyon nila"

"I got your back, kung gusto mo sasamahan kitang mag sabi sa kani-" I cut him. I know what he wants to suggest.

"H'wag na, pahinga ka nalang I know you're tired" putol ko sa sasabihin n'ya.

"But I can still come to you."

"Kaya ko, kinakabahan lang." Napabuntong hininga nalang ako.

"It's fine, everything's gonna be alright. Don't be afraid, hindi rin naman kita bibitawan kahit na hindi pumayag mga kapatid mo, kung dati nagawa nating tumakas takas sa kanila ngayon pa kaya?" Sabi n'ya na bahagya ko ring ikinatawa.

Kung sabagay, kaso ay tiyak na paghihigpitan ako kapag nagkataon.

"By the way, I'm driving my way to our dorm." He informed me, kaya pala kanina pa'ko nakakarinig ng busina mula sa ibang sasakyan.

"Ingat, pahinga na pagkauwi." bilin ko na bahagya n'yang ikinatawa.

"Opo, magpapahinga po ako pag-uwi." Sabi nito kaya mahina rin akong natawa.

"Teka may kumakatok" sabi ko sa kan'ya nang may marinig akong katok mula sa pinto.

Agad akong tumayo at naglakad papuntang pinto. Pagbukas ko ay bumungad agad sakin si manang na may nag-aalala.

"Nandyan na mga kapatid mo, iha." Sabi nito kaya agad akong ngumiti at tumango.

"Sige po, thanks. Pupuntahan ko nalang po sila" ngiting sabi ko at akmang tatalikuran s'ya para bumalik ulit sa kwarto ko nung bigla n'yang hinawakan braso ko kaya taka akong napatingin ulit.

Light Of Love ✓ (Eclipse series #1)Where stories live. Discover now