Chapter 25

2.2K 83 8
                                    

Unexplainable feelings, those unusual things I felt. It was a peculiar mixture of excitement, nervous, frightening, and a bit of hope that gives me goosebumps. It feels so strange, the odd way my heart beat on its pace, the way it tickled my organs, the way it makes me feel in general. That made me feel things I never felt before.

Matapos kong pakainin si Ryan ay naipo ako rito sa sofa at nanood ng Netflix pero walang pumapasok sa utak ko, kahit ang simpleng salitang binibitawan ng characters ay hindi ko ma-digest. Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang nangyari, ang paghalik sa'kin ni Top.

Paulit-ulit ko ring tinatanong ang sarili ko, why the hell did I respond?

"Nababaliw na yata ako" bulong ko sa sarili. Halos mapatalon ako sa gulat nung bigla akong makarinig ng sasakyan, patay, nandyaan na sila kuya.

Agad akong tumayo at pinatay ang tv. Napatingin ako sa oras, mahigit dalawang oras akong nandito sa sala?! Ano na kayang ginagawa ni Top sa taas ngayon? Bakit hindi manlang s'ya bumaba?

"Kuya!" ngiting salubong ko kay kuya Luan paglabas n'ya mula sa car pero napawi agad iyon nang makitang nakahawak s'ya sa tagiliran n'ya.

"What happened?" nag-aalalang tanong ko, nakita ko si bumaba si kuya Ven sa driver's seat ng kotse. Bumaba narin si kuya Haru sa kotse n'ya kasunod si Aze, Hallow and Hunt.

"It's nothing, my princess, no need to worry" nakangiting sabi ni kuya Luan ay tinapik yung balikat ko.

"Let's go inside Luna" sabi ni kuya Haru tsaka sinundan si kuya Luan.

"Anong nangyari?" tanong ko kay kuya Ven. Tinapik n'ya ang balikat ko at agad na ngumiti, "sinalo ang dagger na para kay Haru."

"Dazzle?" hindi siguradong tanong ni Hunt kaya agad akong ngumiti at tumango.

"Just call me Luna kapag nasa labas" sabi ko at iniwan silang tatlo roon.

"Ikaw? kuya Haru, wala kang sugat?" tanong ko na inilingan naman n'ya.

"Nandyan pa ba si Top?" tanong n'ya na ikinatango ko naman.

"Nandoon s'ya sa kwarto ko nagsusulat ng notes" naka ngising sabi ko na ikinatawa n'ya.

"Nakahanap ka ng mauutusan huh" ngumisi lang ako at nagkibit balikat bago dumiretso sa kusina para kumuha ng judge at mga baso para sa kanila.

"Juice?" alok ko at nilapag yung tray sa coffee table.

"Thank you" ngumiti ako kay kuya Haru.

"Nasa kwarto si kuya mo, nagpapalit lang eto yung first aid kit, ikaw na bahala" tumango ako kay kuya Ven, kinuha ko ang box ng first aid kit bago maglakad papuntang taas, sumunod din sa'kin si kuya Haru na may dalang juice

"Yan ang mahirap sa kan'ya, sasaluhin n'ya ang para sa 'yo kahit na ikakapahamak n'ya h'wag lang tayo masaktan" mahinang ni kuya at sinabayan ako sa paglalakad. "Kaya pag ikaw nasali, mag doble ingat ka para hindi kami masaktan, okay?"

I chuckled and nod like a good child. "Triple ingat pa ang gagawin ko"

"Sus, triple ingat pero kapag nakakita ng gagamba sisigaw na at tatawagin kami" sabi nito at natawa.

Totoo naman iyon, parang mas nakakatakot pa nga para sa'kin ang gagamba kaysa sa baril. Imagine, ang dami nilang mata at binti tapos makikita mong gagapang, geez, ayoko talaga ng insekto.

Nang makarating kami sa tapat ng kwarto ni Kuya Luan ay ako ang kumatok na agad namang binuksan ni kuya ang pinto. Wala s'yang suot na damit kaya agad akong napatingin sa tagiliran n'ya na tinatapalan n'ya ng tela.

"Come in" pagpasok namin ni kuya Haru ay inabot n'ya agad yung juice at dumiretso kami ni kuya Luan sa kama n'ya para roon gamutin ang sugat n'ya.

"Thank you- masakit!" sabi n'ya sa'min ni kuya Haru at dumaing nung dinadampian ko ng alcohol yung tagiliran n'ya.

Light Of Love ✓ (Eclipse series #1)Where stories live. Discover now