Chapter 35

2K 64 3
                                    

Hindi pala umuwi si kuya Luan kagabi, nagmadali pa naman kami ni Top na umuwi rito tapos wala naman pala s'ya. Halos dalawang oras lang ang tulog ko kaya nang mag-text sa'kin si Kuya Luan na may lunch meeting s'ya at mamayang gabi na uuwi ay rito na nanatili si Top at maghapon kaming tulog doon sa kwarto ko.

Pagkagising ko ay wala narin si kuya Haru dahil may date sila ni Bea. Nagpaalam si Top na pumunta sa kanila para makaligo at makapagpalit s'ya ng damit tapos ay babalik nalang daw s'ya ulit dito, magpapabalik-balik pa kaya sumama nalang ako tutal wala rin naman akong gagawin dito sa mansion. Mabo-bored lang ako pag nagkataon.

Wala rito ang magulang ni Top pagkarating namin dahil umalis daw sabi nung maid nila kaya rito nalang din ako sa kwarto ni Top nanatili. Dinistract ko ang sarili ko sa pagtingin-tingin ng mga libro na nandito sa shelf n'ya habang naliligo s'ya.

I took one and went to his bed. I was enjoying it when someone suddenly knocked. Napatingin ako sa pinto bago tumingin sa pinto ng cr, hindi parin lumalabas si Top kaya wala akong nagawa kungi tumayo at ako ang nagbukas nung pinto.

Pagbukas ko nang pinto ay nagkagulatan pa kami ng mga magulang ni Top.

"Hi, Luna, we didn't know you're here." nakangiting bati sa'kin ni tita bago bumeso.

"Uh hello po, nasa cr pa po si Top naliligo" sabi ko bago buksan ng maayos yung pinto para makapasok sila.

"We saw your brother running in the mall I thought you're with him" biglang sabi ni tito na ikinakunot ng noo ko. 

"Running?" Takang tanong ko na tinanguan nila.

"Yes, may hinahabol yata? Nakita ko may kausap din s'yang lalaki sa parking lot kaso ay magkalayo pero halata namang magkausap sila through phone" singit ni tita.

"Sabi n'ya po sa'min may lunch meeting daw s'ya with someone kaya baka iyon po yun." Napakamot pa'ko ng batok ko kaya napatango naman sila.

"Pinakain ka na n'ya? Halika sa baba papakainin kita" alok ni tita at kinawi ang braso sa'kin.

"Hindi na po, tita, busog pa po ako. Kumain po kasi kami bago pumunta rito." Ngiting tanggi ko.

"What's your relationship with him?" Tanong ni tito, napakagat naman ako ng labi ako bago mag-iwas tingin.

"Hon!" may pagbabantang tawag ni tita na ikinatahimik ni tito.

"Why? I'm just asking her." sumibangot pa ito na ikinangiti ko, ang cute nilang tignan.

Nang bumukas yung pinto ng cr ay sabay-sabay pa kaming napatingin doon, lumabas si Top na towel lang ang takip sa baba at walang pang-itaas.

"Mom? Dad?" gulat n'yang sabi nung makita sila tita at tito rito.

"Ba't ka lumalabas ng ganyan lang?" Takang tanong ni tito at tinuro ang katawan ni Top.

"I'm still in my room, I didn't go out" kibit balikat pa s'ya habang pinupunasan ang basang buhok n'ya.

"You're letting a girl to see you naked?"

"I'm just half naked, not a big deal." walang ganang sagot ni Top bago maupo sa tabi ko rito sa kama, si tita ay nakaupo sa swivel chair ni Top at nakatayo naman si tito sa tabi n'ya at pareho silang nakatingin sa'min.

"Hon, baka naman nakita na lahat kaya wala na dapat itago." pabirong sabi ni tita.

"Yeah, mom you're right." ngising sabi naman ni Top bago hawakan yung isang kamay ko na ikinalaki ng mata ng mommy n'ya.

Agad ko itong binawi at siniko s'ya. "Umayos ka, nakakahiya." bulong ko pa.

"Seriously? Top?"

"Just kidding dad, she just saw my heart" kumindat pa ang lalaki sa'kin na ikinairap ko.

Light Of Love ✓ (Eclipse series #1)Where stories live. Discover now