Chapter 7

3.2K 95 17
                                    

Have you ever felt like there's something wrong yet everything was just alright? It feels weird and confusing at the same time. Clock seems so slow yet just right, time was running on its own and feels like I'm just wasting a lot of it. Siguro ay ganito talaga kapag bored na bored ka na.

Nandito ako ngayon sa kwarto ko, namamahinga. Kaninang dinner ay hindi naman napansin ni Kuya Luan anh pasa ko kaya wala s'yang alam sa kung ano man anh nangyari, mas okay naman na'yon para hindi na kami mapagalitan ni Kuya Haru.

It's already 10:30 in the evening pero hindi parin ako makatulog kaya, hero ako nakatulala sa kisame. Kung dati ay sa ganitong oras ay tulog na tulog na'ko, ngayon naman ay dilat na dilat pa ang mata ko. Hindi ako makatulog, ewan ko ba tinotopak yata 'tong katawan ko. Alam kong pagod ako pero hindi talaga ako makatulog.

Napabuntong hininga nalang ako at bumangon. Inabot ko ang cellphone ko sa bed side table. Nagsend pala sa'kin si Bea ng friend request sa Facebook, hindi naman ako madalas online roon.

Agad ko namang in-accept buti nalang pala at wala pa'kong ina-upload na picture ko na walang fake pimples, mas madalas kasi akong gumamit ng Instagram kaysa sa Facebook kaya naman nandoon ako nagpo-post ng mga picture ko sa Ig, kahit naman sila kuya ay roon din nagpopost at pare-parehong mga naka private account namin at hindi inaacept yung mga hindi pamilyar sa'min.

At nagsend pa pala ng message si Bea kaya agad ko ring tinignan.

Bealyn Bentor
Pa-accept, lods.

Accepted.

Thank you! btw, how are you? Nagpaalam ka na? Pinayagan ka?

Kumunot yung noo ko nung nabasa yung chat n'ya pinayagan saan? Sunod sunod ang tanong huh.

Saan? I'm fine, thanks.

Hayst di ka nagpaalam noh? o nakalimutan mo?

I bite my lower lips while thinking what she's talking about. Wala akong maalala. Bakit kailangan ko magpaalam? Anong meron?

Sis yung camping tinutukoy ko -_-

My mouth formed 'o' when I read her next chat. I completely forgot about it. Buti pinaalala n'ya, hindi pa'ko nakakapag paalam.

Ahh wait, papaalam ako.

Pagkasend ko noon ay agad kong pinatay ang phone ko at bumaba sa kama. Lumabas ako sa kwarto ko para pumunta kay Kuya Luan, gising pa kaya iyon? Siguro oo kasi anong oras narin s'ya natutulog dahil sa trabaho.

Kumatok ako nang tatlong beses pero walang sumasagot, napakamot nalang ako sa batok at himawakan ang doorknob, pinihit ko iyon para tignan kung nakalock at hindi! Hindi naka-locked.

"Kuya" mahinang tawag ko at dahan dahang binuksan ang pinto. Nilibot ko muna ang tingin ko, malinis naman ang kwarto n'ya, hindi nga lang maayos pero atleast malinis 'di ba? Yung ibang gamit kasi n'ya at papeles ay mga wala sa ayos.

Naglakad ako papunta sa kama nya nung may nakita akong nakahiga roon at hindi nga ako nagkamali, si kuya Luan ito na mahimbing ang tulog. Halatang pagod na pagod, ni hindi manlang nakapag palit muna at nakita ko rin yung coat n'ya sa baba ng kama kaya pinulot ko iyon, parang may laman pa ang pocket n'ya pero hindi ko na tinignan at pinatong nalang ito sa kama. Inayos ko anh kumot n'ya at hinalikan s'ya sa pisngi sabay sabing "good night, kuya."

Bukas nalang siguro ako magpapaalam. Saglit ko pa s'yang tinignan ulit at gaya kanina, dahan-dahan naman akong lumabas nang biglang-

"Boo"

Light Of Love ✓ (Eclipse series #1)Where stories live. Discover now