Chapter 32

2.1K 73 3
                                    

When loving someone, accepting their whole system is a must. But how far can you accept the people you love? How can you maintain your grip to their hands if a lot of circumstances we're pulling them away?

Akala ko pagkagising ko ay nasa kotse paein ako dahil nakatulog ako roon sa halip ay nakita ko ang sarili ko sa kwarto ko, nakakumot na ngunit uniform ko parin ang suot ko.

Bumangon ako at hinanap yung cellphone ko para tignan ang oras, may nakalagay pa na note na nasa ref daw yung ice cream ko, hand writing ni kuya Haru iyon kaya baka s'ya ang nagdala sa'kin dito. It's already 1:30 am at nauuhaw ako kaya napagdesisyunan ko naring lumabas ng kwarto para kumuha ng tubig pagkatapos ko magpalit ng pantulog.

Pagbaba ko ay naabutan ko si kuya Luan sa sala habang nakatingin sa laptop n'ya, seryoso ang ekspresyon n'ya at parang may binabasa roon.

"Kuya," agad kong naagawa ang atensyon n'ya.

Hinubad n'ya ang salamin at bahagyang minsahe ang maya. "You're awake, are you hungry? I will cook for you, hindi ka nag-dinner"

"H'wag na, kuya, hindi naman ako gutom. Kukuha lang ako ng tubig" sabi ko kaya napatango s'ya at hindi na nagsalita.

Dumiretso ako sa kitchen para kumuha ng baso at tubig sa ref, nilabas ko na rin yung ice cream ko tsaka kumuha ng kutsara.

"Si kuya Haru nagdala sa'kin sa kwarto?" tanong ko kay kuya Luan, nang madatnan ko parin s'ya sa sala, wala yata s'yang balak matulog.

"Yeah, matulog ka na pagkatapos n'yan. Magtubug ka baka sumakit lalamunan mo r'yan" sabi n'ya nung makita ang ice cream na dala ko.

"Opo, goodnight, kuya." I gave him a quick hug.

"Goodnight." He whispered.

Nilapag ko ang tubig aa bedside table ko at tinignan ang cellphone ko, tadtad nanaman ang text at tawag ni Top pero hindi ko na inabalang sagutin baka tulog narin naman s'ya ng ganitong oras.

I was enjoying my alone time with my ice cream when I suddenly heard a knock, not from the door but from the sliding door of my balcony? Nagdalawang isip pa'ko kung bubuksan ko ba o hindi. Sino ba naman kasi ang matinong tao ang kakatok sa ganitong oras at sa balcony pa talaga?!

Napabuntong hininga nalang ako bago ilapag ang ice cream sa tabi nung tubig at maglakad papalapit sa balcony. Paghawi ko sa kurtina ay kusa akong napahinto nang makita kung sino ito, nakasuot pa s'ya ng hoodie, mask, sweatpants, at nakasapatos pa.

"T-top? Anong ginagawa mo rito?" tanong ko at agad na binuksan ang pinto.

"You're not responding again" nakasibangot n'yang sabi kaya palihim akong napairap bago isara ang pinto ng balcony.

Dire-diretso s'yang lumapit sa kama ko at naupo roon kaya mabilis akong sumunod.

"Kakagising ko lang, nakatulog ako kanina. Water?" alok ko na agad naman n'yang tinanggap at ininom.

"Thanks," naupo ako sa tabi n'ya at pinanood s'yang kuhanin ang cellphone ko na naka-charge, mas kumunot ang noo ko nung makitang tama ang password na nilagay n'ya.

"Paano mo nalaman password ko?" takang tanong ko.

"Nakita ko tuwing magkasama tayo, nakabisado ko lang" sabi n'ya at nagkibit balikat. "Tatawagan ko lang si mom, naiwan ko yung cellphone ko. Ayos lang din na h'wag ka mag-reply o sumagot sa tawag ko basta asahan mo narin na kakatok ako sa pinto ng balcony mo"

Ngumisi pa s'ya ulit at kumindat bago mag-dial ng number, napatingin ako ulit sa kan'ya nung ipinatong n'ya sa balikat ko yung ulo n'ya.

"Penge" mahinang sabi n'ya bago isubo ang ice cream sa kutsara ko kaya natigilan ako.

Light Of Love ✓ (Eclipse series #1)Where stories live. Discover now