Chapter One

1.6M 17.9K 4.2K
                                    

Chapter One

LINGGO.

Isang pangkaraniwang araw sa pangkaraniwang lugar. Hindi ko akalain na ito ang araw na talagang mamalasin ako ng sobra. Nasa loob ako ng National Book Store at hinahanap ang librong matagal ko nang gustong basahin. Nasaan ba 'yon?

"AAAAHH! Ano 'to?!" may isang nakabibinging sigaw ng isang babae mula sa labas. "Sabi mo pupunta ka lang sa hospital para dalawin ang mommy mo kaya hindi ka makakapunta sa date natin! Tapos makikita kita sa mall na may kasamang iba! Sino sya?!" Grabe naman ang boses na yon, ang lakas. Parang sa kaibigan ko lang. (。-_-。)

"Ano 'yon?" tanong ng isang babae sa kaibigan nya na nasa kaliwa ko.

"May away yata sa labas.." sagot ng kasama nyang babae.

"Tara tignan natin!"

Sinundan ko lang sila ng tingin habang nagmamadaling lumabas ng store. Yung totoo? Talaga bang may balak silang makialam sa kaguluhan sa labas? Bakit hindi nalang sila makialam sa sarili nilang problema? (−_−;)

Lumipat ako ng pwesto at nakita ko na ang librong hinahanap ko. Buti nalang nakita ko na! Dumiretso na ako sa counter para magbayad. Ako lang yata ang magbabayad since lahat sila nasa labas at nanonood ng pag-aaway nung dalawang kung sino man 'yon. Pagkatapos ko rito saan ako pupunta? Salon? Hmm.

Lumabas ako ng book store at nakita ang bestfriend ko na si Michie na umiiyak sa harap ng isang matangkad na lalaki na may katabing isang magandang babae.

HAAAA? !(◎_◎;)Ano'ng ginagawa nya dito?! Sya yung sumisigaw kanina pa?!

"Ang kapal mo! Ayoko nang makita pa ang pagmumukha mo! Taksil ka!" sigaw ng kaibigan kong si Michie sa harap ng lalaking hindi ko kilala.

Napa-nganga ako nang makumpirma na sya nga iyon.

"Who the f*ck are you talking to?" tanong ng lalaki.

Nagmura sya! Kanino kayang anak 'to? Hindi ba nila tinuturuan ng good manners ang anak nila? Fuuuu. Ang ayoko talaga sa lahat ng tao yung basta nalang kung makapag-mura. Naiinis ako sa kanila. !!o(>__<)o!!

"TOP, do you know her?" tinignan nya si Michie mula ulo hanggang paa.

"Hell no," the guy answered coldly.

"Ano? Ngayon naman nagkakaila ka? Sabi mo ako lang! Ibinigay ko sa yo ang lahat! Hindi pa ba sapat ang mga nakuha mo sa'kin?" humihikbi na sabi ni Michie.

Napa-singhap ang lahat ng tao na nakikinig sa kanila.

"Ano raw? Ang sama naman ng taong 'yan," komento ng isang babae.

"Oo nga, sayang ang gwapo pa naman nya," komento ng kaibigan nung babae

Nagkaroon ng ilang pag-sangayon ang iba pang nanunuod tungkol sa kung gaano kasama ang lalaking 'yon para lokohin si Michie at... kung gaano sya katangkad, kakisig at kagwapo. Nagkaroon din ng ilang tanong kung artista daw ba yung lalaki o model ng Bench. (−_−;)

"You're really asking for it woman, stop it!"

"Bakit ka ba ganyan sa'kin?" iyak ni Michie. "Dahil ba sa kanya?!" turo nya sa katabing babae nung lalaki. "Dahil ba sa kanya kaya iniiwasan mo na ako Honey?"

"F*ck off."

Napakasama ng ugali ng lalaking 'yon! Kumukulo ang dugo ko! Mabilis akong pumunta sa harap nung lalaki at dinuro sya.

Talk Back and You're Dead!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon