Chapter 43 Family

0 0 0
                                    


West POV

Nagising ako sa sinag ng araw kaya minulat ko ang mata ko mag iinat sana ako ng makaramdam ako ng manhid sa isa kong braso

Tingnan ko ito at nakita ang magina ko na nakaunan sa braso ko nasa gitna namin ni Haven si Avianna

Hinaplos ko ang noo nito at inalis ang buhok na nakatabing sa muka niya

Ganon din ang ginawa ko kay Haven at hinalikan sila sa ulo

Napaka swerte ko na si Haven ang babaeng kasama at nakasama ko noon dahil malakas siyang babae

Nagpapasalamat ako na hindi niya pinalaglag ang anak namin at nalulungkot dahil hindi man sinasadya ay nawalan padin kami ng isang anak

Hinaplos haplos ko lang ang buhok ni Avianna hindi makapaniwalang may anak ako

Hindi makapaniwalang napalaki ni Haven mag isa ang anak namin

Nagsisisi ako noon pero mas nagsisisi ako ngayon na hindi ko nasubaybayan ang paglaki ng anak ko

Anim na taon akong mag isa natupad ko nga ang pangarap ko ngunit hindi naman ako masaya dahil nasa ibang lugar ang kasiyahan ko

Ngayon andito na ito ay nadagdagan pa ang dahilan para maging masaya ako

Nagmulat ng mata si Avianna kaya ngumiti ako yumakap ito sa leeg ko isiniksik ang muka sa leeg ko

Hinawakan ko ito sa likod at hinaplos haplos ito

"Morning sweecake"

Pipikit pikit pa ito ng humiwalay sakin

"Morning daddi"

Daddy

Ama na ako isa akong ama

Sinenyasan ako nitong wag maingay kaya pinanuod ko lang siya inusod ko naman si Haven sa tabi ko

Umupo si Avianna sa tiyan ng mommy niya at hinalik halikan ito sa muka

Bahagyang nagmulat si Haven ngunit hindi ito nakita ni Avianna

"Daddi ayaw gumising ni Momma i think monster eat her last night"

"No,Tickle your momma"

Habang umaalis si Avianna sa ibabaw ng mommy niya ay sinamaan ako nito ng tingin at pumikit ng makababa na si Avianna

Kiniliti nito si Haven ngunit pinipigilan ni Haven ang tumawa kaya tumigil si Avianna

Umupo ito sa sahig at tumungo nanatili lang itong ganon at hindi nagsasalita nagmulat na ng mata si Haven at tinignan din si Avianna

Pinanuod lang namin itong nakatungo sa sahig

Niyakap ko si Haven habang pinapanuod namin si Avianna

"Momma won't wake up,Momma leave me"

Narinig naming sumisinghot na si Avianna kaya tumayo na ako binuhat ko ito at dinala kay Haven na nakaupo na

"Momma leave Avianna"

Umiyak lang ito sa leeg ko kahit na biruan lang naman ay nasasaktan akong nakikitang umiiyak ang anak ko

"Momma is here sweetcake"

"But she don't want to wake up"

"But im awake"

Nagtaas ng ulo si Avianna at isinandal ang pisngi niya sa dibdib ko

"Morning momma"

"Morning sweetheart"

Pinunasan ni Haven ang luha at sipon si Avianna na nasa muka nito habang nakasandal padin sa dibdib ko

Silent PainWhere stories live. Discover now