Chapter 4 Candidate Meeting

0 0 0
                                    


Avior POV

Lumabas kami ni West ng Mcdo dahil may mga ka meetup pa akong buyer sa labas

Dala ni West yung limang plastic bag na may laman ng mga produkto

"Anong mga binebenta mo?"Tanong nito habang nagiintay kami sa labas

"Shabu,Mariquana atsaka rugby"Pabiro kong sagot

Natatawa siyang umiiling

"Ano nga?"Pagpupumilit nito

"Biro lang mga beauty product like lipstick or liptint,Skin Care atsaka mga authentic bags"

"Ah mabenta naman ba?"

"Nung una mahina pa ang bentahan pero kapag nakilala kana ng tao at nagtiwala na sila sayo lumalakas na ang kitaan"

"Magkano naman ang kinikita mo kada buwan?"

"Sa mga produktong kinukuha ko sa supplier 5,000-10,000 a month sa sarili ko namang brand ng beauty product 10,000-15,000 a month"

"Edi mayaman kana?"Pagbibiro nito

May dumating na dalawang buyer at inabot kona ang mga order nila may tatlo pang dadating kaya hindi muna kami umalis

"Hindi Yung kinikita ko kasi dito pang tuition ng kapatid ko pati pang bili niya ng mga gamit sa eskwela"

"Wala ng natitira sayo?"

"Meron naman kasi nag tu-tutor din ako ng highschool at gradeschool yung kinikita ko naman doon pang bili ko ng supplies kapag kailangan namin ng gamit sa nursing tulad ng mga syringe para sa practice namin"

May dumating na isang buyer kaya dalawang bag nalang ang natira samin nilagay ko sa wallet ko yung bayad

"Edi wala na ngang natitira sayo tulad ng pang gastos mo sa sarili mo"

"Wala na kasi yung kinikita ko sa pag a-assistant ay binibili ko ng pagkain namin sa araw araw ng pamilya ko"

Nakangiti kong sagot at ibinagay na sa dalawang buyer na sabay dumating inabot nila ang bayad at agad ko itong inilagay sa wallet ko

Naglakad na kami pabalik sa loob ng Mcdo

"Wala bang trabaho ang mama at papa mo?"

"May trabaho si mama pero sapat lang na pang bayad sa inuupahan naming bahay yung sinasahod niya"

Sagot ko at hindi na sinagot ang tanong tungkol sa tatay ko

"Eh ang papa mo anong trabaho?"Tanong nito

Nagkibit balikat nalang ako at lumapit kila Dani

Nginitian ko sila parehas at kinuha ang bag ko hudyat na aalis na kami

Kinuha ni Luis yung bag ni Dani at nakita ko sa gilid ng mata kong nag o-offer din si West na dalin ang bag ko

Nginitian ako ni Dani at sinenyas na ibigay na ito ako West

Ibinigay kona at nagsimula na kaming maglakad papasok ng uni

Naglalakad kami papasok mabuti nalang at kokonti ang tao sa field kung hindi ay pag uusapan kami ng buong estudyante kung bakit kasama namin si Luis at West

Nang tumunog ang bell hudyat ng simula na ang klase ay inabot na nila ang bag namin at nag kanya kanya na kami ng lakad papunta sa department namin

"So anong label niyo?"Pagbunggo ni Dani sa balikat ko habang tinataas baba ang dalawa niyang kilay

"Kayo! Kayo ni Luis anong label niyo akala mo ha!at bakit mo pinagkakalat ang second name ko CLAIRE"Pagsama ko ng tingin dito

Nag Peace sign naman ito habang patuloy kami sa paglalakad sa room

Silent PainWhere stories live. Discover now