Chapter 34 Mama

0 0 0
                                    


Avior POV

Umuwi ako sa bahay kasama si Aviola dahil may mga papeles akong kukunin dito

Pag pasok namin ay nakaupo si mama sa sofa ng makita niya kami ay tumingin ito kay Aviola

"Umuwi kapa?"

Dumiretcho nalamang si Aviola sa kwarto at hindi na pinansin pa si mama iniwan ko ang bag ko sa dining table pati ang iba kong papeles na dala

Pumasok ako sa kwarto at hinanap yung  Visa at Passport ko

Kinuha ko din ang TOR at COC ko nakita ko naman nilalagay ni Aviola yung iba niyang gamit sa backpack na dala niya

"Tara na"

Tumanggo ito at nauna ng lumabas palabas na din sana ako ng mabunggo ako sa likura ni Aviola

"Huy tabi"

"Ate"

Sinilip ko naman ang tinitignan niya at nakitang hawak ni mama ang huling sonogram ko

Napatingin naman si mama sa gawi namin at tinignan kaming dalawa

"Sino sa inyo ang buntis"

Napalunok kami parehas ni Aviola

"A-Ako po"

Napatingin naman ako kay Aviola ng sumagot ito

"Huwag mo nga akong lokohin Aviola pinagtatakpan mo pa ang ate mo!dito ko sa bag niya nakuha ito"

"Mama ako talaga"

"Hindi ako naniniwala sayo!!Para sa buntis eh proud na pround kapa!"

Tinulak nito si Aviola ng humarang ito dahil papalapit si mama sa gawi ko

Itinapat ni mama ang sonogram sa muka ko at hinampas ito ng malakas sakin

"Sinabihan na kita!"

Sinampal ako nito kaya napalingon ako sa kabilang gilid pinipigilan naman ni Aviola si mama

"Mama wag mo saktan si ate baka mapano yung bata!"

"Wala akong pakielam!sinabihan kita na wag kang lumandi agad!pokpok ka talagang disgrasyada ka!Ano hindi ka pinanindigan ano?"

Pag duro nito sakin

Kinaladkad nito ang buhok ko kaya't hinawakan ko ang kamay niya upang tangalin ito

"Ano bubuhayin mo yang bata?wala kang ipapalamon jan!ang kapatid mo?paano ang kapatid mo sinong magpapaaral dito?sinong aasahan mo na magpapaaral dito yung tatay mo?eh hindi nga kayo makamusta tapos aasahan niyo pa yun?"

Inalalayan ako ni Aviola na maupo sa sofa kumuha siya ng tubig at inabot ito sakin

Tinabig naman ito ni mama kaya natapos ito sa sahig

"Ano ba ma!"

"Wag ka ngang makielam dito Aviola!Ikaw lumandi ka na din tumulad ka dito sa ate mo na kalandian lang ang alam!"

Inalalayan ako ni Aviola upang makalabas na ng bahay tumapak na kami sa pinto ng itulak kami parehas ni mama sa labas ng pintuan

Bumagsak kami ni Aviola kaya napahawak ako sa tiyan ko iniisip na baka mangyari nanaman ang nangyari sa isa kong pang anak

Tumayo ako at sinampal si mama dahil ayaw nitong tumigil sa pagsasalita

"Sana tinanong mo muna kung okay lang ako bago ka nagsalita at saktan kami!hindi paba sapat yung sinabi ko sayo nung nakaraan?hindi kapa ba natauhan?siguro kaya ka iniwan ni papa dahil ganyan ang ugali mo!"

Silent PainWhere stories live. Discover now