Chapter 26 Bar Exam

0 0 0
                                    


Avior POV

Sa loob ng isang buwan ay wala kaming ibang ginawa kung hindi ang mag review minsan nga ay sa unit na ako natutulog dahil sa pagod

Wala na din kaming oras mag usap usap tatayo lang ako para ipagluto sila miski pag bili nga ng grocery ay inutos nalang namin kay Aviola

Kahit pag ligo ay isisingit nalang namin sa oras namin yung sinahod ko sa pag clinical practice ko ay binayad ko lahat sa agent para advance na kami ng payment sa condo

Hindi na rin kami masyadong nakakapag usap ni West nagtatabi nalang kami sa pag review para maramdaman ang suporta ng isa't isa

Mag aapat na buwan na din ang tiyan ni Daniella medyo huminahon na din ang hormones niya lalo na ang cravings

Kaya mas nakaka pag focus na din si Luis sa pag rereview kapag may kailangan si Daniella ay ako nalang ang sumasama dahil puro eyebags na si Luis

Minsan pa ngang umiyak si Daniella dahil pinahihirapan niya daw si Luis kaya nagusap kami na mag sasalitan kami sa pag sama kay Daniella dahil maya't maya itong nasa bathroom at iihi

Simula ng magsalitan kaming mga babae sa pag sama kay Daniella ay mas nakakatulog na si Luis ng ayos

Ako din ang nagluluto ng mga gusto ni Daniella minsan ay yayakap lang si West sakin habang nagluluto ako at kapag tapos na ako ay mag aaral na ulit kami

Halos lahat kami ay wala ng Sexy time kaya mas frustrated ang mga lalaking ikinatawa lang naming mga babae

Sa nakaraang ikalawang buwan naman ay nag lie low kami sa pag rereview dahil sumasakit na ang mga ulo namin

At ayaw naming pwersahin ang pag re-review baka hindi pa namin ito maalala kapag oras na ng exam

Sa ngayon ay nagluluto ako ng nilagang baboy dahil ito ang gusto ng lahat sa nakalipas na mga buwan ay nag adjust kami sa mga pagkaim gusto ni Daniella

Napagod naman ako kaya't naupo muna ako at nagpahinga sa dining table habang hinihintay na kumulo ang niluluto ko

Tumungo muna ako sa lamesa ng may humawak sa likod ko pipikit pikit akong nagtaas ng ulo

"May masakit ba sayo love?"

"Wala,Pagod lang"

"Gusto mo ako na magbantay sa niluluto mo?"

Natawa naman ako

"Wag na baka mawalan pa ng sabaw dahil iniwan mo"

Tumawa din ito at binuhat ako siya ang umupo sa inuupuan ko kanina at kinandong ako sa kanya

Inihilig ko naman ang ulo ko sa dibdib niya at ipinikit ang mata ko

Hinilot hilot niya naman ang likod ko at kamay ko

"Love bukas na ang schedule ng Business ad"

"Opo"

"Tapos amin na"

"Opo"

"Magkaka degree na ako"

"Opo"

"Masisimulan ko na yung career ko"

"Opo"

Hinalikhalikan nito ang balikat ko tumayos na ako at pinatay ang kalan dahil umaapaw na ito

"Tawagin mo na sila kakain na tayo"

Tumayo ito at tulad ng dati ay ganon ang set up namin ganon din ang set up ko ng paghahain ng utensils at pagkain sa kanila

Pagkatapos kumain ay nagsipag pahinga na kami dahil may exam pa bukas ang iba

Silent PainWhere stories live. Discover now