Chapter 37 Brothers

0 0 0
                                    


Avior POV

Nang matapos kami kumain ay dinala ni Avianna yung tatlong unggoy sa kwarto niya

"Ate ang pogi pala ng mga kapatid natin noh?"

"Siraulo kapatid mo yan"

"Hindi ko lalandiin ba naman to!Pero seryoso nagkita kita talaga tayo sa iisang araw noh?Ano sunod si papa na makikita natin tapos si mama?"

"Malay mo,Kamusta ka sa condo?"

"Okay lang pero sobrang laki ng penthouse mo dito nalang ako"

"Bumili ka ng sarili mo engineer kana nakikitira kapa"

"Hayst parang ang daming nangyari ngayon noh?nakilala lang naman natin yung mga kapatid natin tapos nakita ko na ulit kayo ni Anna"

"Arte mo parang hindi mo ako nakita last year"

"Antagal na non noh!Mag s-stay naba kayo dito sa pinas ate?"

"Yun ang plano ko mag aaral na din si Avianna dito ko siya balak pag aralin sa pinas"

"Paano si kuya West?"

Tinignan ko siya at nakitang nakatingin ito sakin

"Hindi niya alam na may anak pa kayo"

"Hindi ko pa alam Avio gusto niyang ipalaglag noon ang anak namin hindi ko alam magiging reaksyon niya kapag nalaman niyang buhay ang isa"

"Palagi siyang napunta sa puntod ni North"

Pinangalanan at pinalitan ko ang lapida ng anak kong namatay upang may pagkakakilanlan ito

Avrielle North Freimer-Galleria
Died: May 29,2010
Fly high angel

"Palagi din siyang napunta sa okasyon ng mga kaibigan mo umaasa ata na pupunta ka"

"Bakit napunta naman talaga ako ah"

"Oonga pero kapag padating na siya ay pauwi kana"

"That's the plan"

"Eh ano na ngang plano mo?"

"Go with the flow"

"Boring mo kausap"

Tumayo ito at lumakad papunta sa kwarto ni Avianna sumunod ako at sumilip sa pintuan ganon din ang ginawa ni Avio

Nakita namin naglalaro ng luto lutuan yung tatlong lalaki at si Avianna pinagdikit ko ang labi ko at bahagyang ngumiti

"Princess Theo take this cup and drink"

"Yes,Queen"

"Princess Hunter the Queen needs her knight"

"Of course your highness"

"Princess August keep the weather cold and let our enemy freeze like elsa"

"Yes,your majesty"

Nakikinig lang ako ng tumawa ng malakas si Aviola at binuksan ng maluwang ang pintuan

Gumapang ito palapit sa mga kapatid namin at kay Avianna na naka pamaywang at nakatingin ng masama kay Avio

Tumayo lang ako sa pinto at pinanuod ang gagawin ng anak ko

"Princess Hunter attack the intruder!!"

Nag bow naman si hunter kay avianna at nagsimulang maglakad papalapit kay avio ngumiti naman ito ng nakakaloko habang naglalakad

"Aaaaaaah!!!im sorry your highness!Ate tulungan mo ako"

Tawa naman ng tawa si Avianna sa pagkiliti ni hunter kay Avio

Silent PainWhere stories live. Discover now