Chapter 21 Graduation

0 0 0
                                    


Avior POV

Maaga akong nagising dahil ngayon ang graduation day namin ginising ko na din si Aviola dahil siya ang sasama sakin sa graduation ceremony

Wala naman si mama at hindi nito alam na graduation ko ngayon wala din si papa dahil pagkatapos ng event ay sabay nawala si mama at papa

Duda ako na magkasama sila dahil nakita ko si papa na sumakay ng taxi mag isa hindi ko alam saan pumunta si mama

Ngayon ay pumili lang ako ng White flow dress at nagsuot naman si Aviola ng Formal dress na kulay navy blue

Pinatuyo ko muna ang buhok ko habang inaayusan ko ang sarili ko si Aviola naman ay inayusan din ang sarili niya

"Ate may sabit kaba?"

"Anong sabit?"

"Medalya"

"Meron tingin mo sakin"

"Edi good para hindi sayang make up ko"

"Siraulo"

"Biro lang,Ano pakiramdam na graduate na?"

"Ewan ko mag aaral pa ako eh"

"Wala ka namang kwenta kausap eh"

"Bilisan mo na jan daldal ka kasi ng daldal"

"Dalhin ko yung Instax ko na regalo ni kuya Luis"

"Ikaw bahala"

"Arte tapos sasabihin mamaya eh Aviola picturan mo nga kami"

"Daming satsat ha"

"Eto na eto na excited"

Umirap nalang ako at iiling iling na lumabas ng kwarto hinayaan kong bagsak ang buhok ko

Kinuha ko yung hand bag ko at lumabas na sumunod naman si Aviola palabas pumara ako ng taxi at nagpahatid sa school

Pagka baba namin ay dumiretcho ako sa admin para kuhanin yung black gown ko or toga kung tawagin

Isinuot ko ito at tinulungan naman ako ni Aviola

"Ganda mo pala ate noh?"

"Matagal na ngayon mo lang nalaman?

"Makapal din ang muka"

"Halika na nga"

Hinila ko ito papunta sa Auditorium pagpasok namin ay marami na ding tao

Andon na silang lahat kaya nakangiti akong lumapit sa kanila lumapit naman si Aviola kila Ellis at doon naupo

"Wow ang ganda naman ng Magna Cum Laude namin"

"Siraulo"

Lumapit ako sa mga magulang ni West at nagmano sa mga ito

"Napaka ganda mo iha"

"Salamat po"

"Huwag kayong mag hihiwalay ni West ha"

"Opo"

Bumalik na ako sa grupo ko at niyakap si West hinalikan naman ako nito sa noo at ngumiti sakin

"Your so Beautiful"

"I am"

"So confident"

"Because i can"

"And so strong"

"Because i needed"

"And I love you"

"I love you too"

Silent PainWhere stories live. Discover now