Chapter 6 Double Date

0 0 0
                                    


Avior POV

Nang matapos ang rehearsal ay saktong tapos ng klase nung tatlo kaya pumunta na kami sa mall gamit ang sasakyan ni Luis

Sa Backseat kami nakaupo ni West at sa Passenger seat naman si Dani

Naramdaman ko may kumapit sa balakang ko tinignan ko si West at nginitian lang ako nito

Hinayaan ko nalang na naka angkla ang braso nito sakin

"Alam niyo naisip ko lang ha"Panimula ni Daniella sa tahimik na sasakyan

"Ano?"

"Lahat naman napapansin mo"

Sabay na sambit ni Luis at West kaya tumawa nalang ako

"Hindi nga kasi eto nga napansin niyo din ba?Halos apat na taon na hindi parin natin nakikita ang Council President?"Pahayag nito at lingon samin sa likod"Diba?Diba?"Pagulit nito habang yinuyugyog ang braso ni Luis na naka kapit sa binti niya

"Oo nga pero malay mo gusto niya lang ng privacy?"Sagot ni Luis

"Hindi kasi palagi nalang si Vice ang nakikita at nag a-announce ng mga event at ng mga Announcement ang weird kaya"Sabi nito at mukang nag iisip"Kahit nung election nung First year palang tayo hindi siya nagpakita basta naglatag lang siya ng plataporma niya"

"Hayaan mo na yun bat ba iniintindi mo pa yun?"Sagot ni Luis

Tahimik lang kami ni West dahil wala naman kaming pakealam sa bangayan nila

"Wala lang ang tahimik kasi natin tapos diba may event nanaman sa tingin niyo magpapakita na si President?Kasali si Stacey diba?Muse yun ng partido nila"

"Ewan natin baka?Diba nasa Block niyo yung Vice bakit hindi mo itanong kung sino yun kung curious ka pala?"

"Baka sabihin tsismosa ako Babae kaya si President o lalaki?Last year na natin sa University siguro naman bago matapos ang Senior year natin magpakita na siya noh?"

"Wag na nga natin pag usapan si President!Ano gagawin natin sa mall?Cinema?Snack?Arcade?"

"Snacks muna tayo tapos Cinema then Arcade noh Avi?"

"Yes Ma'am"Pabiro kong saludo dito pinalo naman nito ang kamay kong naka saludo at inirapan ako

Nakarating kami ng Mall at nagumpisa ng maglakad papunta Food court

"Anong gusto mo love?"Tanong ni West

Tinuro ko pa ang sarili ko dahil hindi naman love ang pangalan ko bumungisngis ito at tumango

"Hindi na ako na bibili ng akin"Ngiti ko at nagumpisa ng magtungo sa Pizza Dalawang slice Ham and Cheese ang binili ko

Ayokong ginagastusan ako ng kahit sino

Hinanap ko si Dani at nakitang mag isa siyang nag iintay sa lamesa

"Oh"

"Oh"

Sabay abot namin sa isa't isa inabot ko sa kanya ang isang slice ng pizza at inabot niya naman sakin ang isang large milktea

Nag fist bump kami at inintay ang dalawa

Bumalik si Luis Shawarma at bottled watter ganon din ang kay West ngunit Turks namab ang hawak nito

Inabot ni West ang isang Turks sakin at inabot naman ni Luis ang isang Shawarma kay Daniella

"Thanks"Sabi ko kay West at inilagay ito sa bag ko ganon din ang ginawa ni Dani

Nagkatinginan kami at natawa

Silent PainWhere stories live. Discover now