Chapter 31 Miscarriage

0 0 0
                                    


Avior POV

Nagising ako na tahimik ang kwarto pag mulat ko ng mata ko ay puting kisame at green na kurtina ang naka palibot sakin

Nakita ko namang nakaupong tulala si Aviola sa tabi ko at ng gumalaw ako ay tumingin ito sakin

"Ate"

Ngumiti ako at hinawakan ang kamay niyang naka alalay sakin

"Anong ginagawa mo dito?"

"Tinawagan ako ni Kuya Kai dinala ka daw sa hospital"

Tumango lang ako

"Asan na sila?"

"Hinahanap si Ku-yung jowa mo"

"Avio"

"Alam ko na ata kwinento sakin nila ate Daniella"

Tumungo ako at hindi hinayaang pumatak ang mga luha ko

"Ayos lang umiyak ate"

"Masama sa buntis ang stress"

"Ay ganon?sige wag kana umiyak ate masama yan sayo"

Bumungisngis naman ako sa sinabi nito

Baliw

"Anong plano mo ate?"

"Kung ayaw talaga ni West palalakihin ko yung anak ko mag isa"

"Kasama mo ako ate"

"Palalakihin natin"

Ngumiti ako at sumandal sa higaan na pinag pwestuhan ko

Pumasok ang mga lalaki

"Nasaan sila?"

Tukoy ko sa mga babae

"Kailangan magpahinga ni Daniella kaya pinasamahan ko muna kay Amara at Des"

Sagot ni Luis nginitian ko lang sila

"Nakita niyo?"

Tanong ni Aviola sa mga ito

"Tatawagan ko nalang"

Inabot ni Aviola ang cellphone ko kaya dinial ko ang number ni West

Walang sumasagot kaya tinawagan ko si Ellis

"Hello ate?"

"Hi,Anjan ba si kuya mo?"

"Wala po hindi pa po nauwi simula ng umalis papunta sa condo niyo"

"Sige salamat"

Binaba ko na ang tawag at umiling sa mga ito lumapit naman si Luis sakin

"Avior sorry"

Kumunot ang noo ko

"Bakit ka nagso-sorry?"

"Sa ginawa ni West"

Nginitian ko ito at inabot ang braso niya

"Okay lang masaya ako na hindi ganon ang ginawa mo kay Daniella"

"Hinding hindi ko ipagpapalit ang pamilya ko sa pangarap ko"

Ngumiti ako ng malungkot dito

"Avi Dinugo ka kanina"

"It's normal"

Tumango lang sila

"Gusto ko na umuwi"

"Hindi naba natin iintayin yung doctor?"

Tanong ni Aviola

"Hindi na"

Silent PainWhere stories live. Discover now