Chapter 41 Closure

0 0 0
                                    


Avior POV

Pumasok kami ni West sa unit kaya napatingin samin ang lahat

Sinugod ko si Daniella kaya tumakbo ito papasok sa kwarto ng nga bata umirap naman ako at hinablot ang mga gagamitin ko kay West

"Tulungan na kita"

Hindi na ako sumagot at sinimulan ng pakuluan ang baboy at naghiwa ng mga ilalagay ko pa naka sandal lang si West sa counter at pinapanuod ako

"May gusto kabang sabihin?"

"Kailan kapa nakabalik?"

"Kahapon"

"Babalik kapa ba sa ibang bansa?"

"Hindi na"

"May boyfriend kana?"

"Meron"

"Anak?"

"Meron"

Tumigil ito sa pagtatanong at tumitig lang sakin tumango tango ito

"Sorry"

"Para saan?"

"Sa ginawa ko 6 years ago"

"Pinatawad na kita bago pa ako tumapak sa eroplano"

"Sorry kasi hindi ako nagtiwala na kakayanin natin"

Humarap ako sa kaniya at sumandal din sa lababong tinatayuan ko

"Tapos na West nangyari na ang lahat"

"Tinupad ko yung pangarap ko"

"Pinatawad mo na ba yung sarili mo?"

"Hindi ko kayang patawarin yung sarili ko pagkatapos ng ginawa ko sa inyo ng anak natin"

"Napatawad na kita at alam kong napatawad kana din niya"

"Paano kung hindi?"

"Nakakatulog kaba ng ayos?"

Tumango ito

"That means napatawad kana niya"

"Pero hindi ibig sabihin non nawala na kayo sa isip ko"

"West"

"Inintay kitang bumalik Haven inintay ko yung panahon na yung relasyon naman natin ang aayusin ko na sana pag balik mo maaayos ko pa"

"Bakit?"

"Mahal kita Haven hindi nawala yun kahit na umalis ka wala akong tinignan na babae o kahit inamoy na babae nung maka ipon ako bumili ako ng penthouse dito para kung sakaling bumalik ka mabilis kitang makikita miski pabango mo ginawa kong room freshener"

"West matagal na tayong nasira paano mo aayusin ang basag na plato kung malaki na ang lamat nito?"

"Iwan na natin yung nakaraan Haven hayaan mo akong hulmahin ang bagong relasyon na bubuuin natin"

"West mahirap yang gusto mo"

"Bakit mahirap?dahil ba may pamilya kana?Mahal mo ba?"

"Mahal ko,Mahal na Mahal"

Tumango tango ito

"Kasal naba kayo?"

"Hindi pa"

"Kasal ako sayo kaya akin ka"

Ipinakita nito ang singsing ko na nakasuot sa daliri niya

"Akin ka Haven simula una akin kana babawiin ko lang kung anong sakin"

Lumapit ito sakin at hinalikan ako hinawakan ko ito sa dibdib at sumagot ng halik dito

"Hoy!mamaya na landian yung pagkain muna namin"

Silent PainWhere stories live. Discover now