Chapter 9 District Meet

0 0 0
                                    


Avior POV

Susunduin ako ni Daniella at Luis ngayon dito sa bahay dahil bukas na ang pageant kailangan na naming dalhin yung mga gagamitin sa Room namin

Para hindi na kami hassle bukas sa pag dadala

1 Notification

Daniella: Nasa labas na kami babe!

Kinuha ko na yung mga magagaan na dadalhin dahil malalaki yung gown at baka sumayad pa sa sahig puti pa naman ang isa doon

Inilapag ko sa Trunk yung maleta ng make up,sandals,sapatos at duffel bag ko na may mga extra tshirts at bicycle shorts kasama na din ang course attire at swim wear ko

Bumalik si Luis dala ang puting gown at dala naman ni Daniella yung night gown ko

"Madam meron pa bang nakalimutan?"

"Wala na tara na kailangan na din si Luis doon diba may laro kayo"

"Meron andon na nga si West eh kanina kapa iniintay"

"Oo nga daw susunduin niya dapat ako eh sabi ko wag na baka makita pa siya ni mana o kaya ma tsismis pa ng kapit bahay"

"Tara na Tara na"

Sumakay ako sa backseat at hinugot ako cellphone ko sa bulsa ko habang nag iintay na makarating sa Uni

Ngayon ang third District meet ng mga players tapos na maglaro ang volleyball player kahapon kaya basketball player naman ngayon

Naka Short ako at lumang jersey ni West tinernuhan ko ng white shoes para magaan kumilos at dahil wala namang ganap ngayon manunuod lang ako ng laro ni West at Luis

Nakarating kami ng Uni at ang dami ng tao bukas ang University sa mga outsider na gustong makinuod

Hindi na muna namin inilabas yung gamit sa sasakyan at nagpunta na diretcho sa gymnasium wala na yung make up stage namin doon dahil whole court na ang nakikita ko

Pumasok na sa Locker room si Luis at sinabi kong ipaalam kay West na andito na ako

Naghanap kami ni Daniella ng Bleachers na maaring upuan sa unahan

"Rellante!Galleria!Dito daw kayo umupo"

"Sigaw nung isang varsity na kakampi nila West hinanap ko kung nasaan si West at Luis dahil tinawag niya ito

"Ms.Freimer!Ms.Ortega kayo po yung tinutukoy ni Marc"Sabi ng lalaking katabi namin

Tinignan ko yung lalaking varsity na nagtawag kanina at nakatingin ako ito samin ni Daniella

Nagkatinginan kami at alanganing lumapit ng maka upo kami sa silyang tinutukoy niya ay nagtanong ako

"Bakit Galleria at Rellante ang tawag mo samin?"Turo ko sa sarili ko at kay Daniella

"Biro lang po"Nakangiti nitong sagot

Humarap nalang ako sa court at nag intay na mag umpisa ang laro

Hindi rin nagtagal ay ipinakilala na ang team nila West Blue Dragons ipinakilala na din ang kabilang grupo

Hinati ng coach nila kung sino ang unang maglalaro at pinaupo ang mga papalit sa unang manlalaro

Maayos pa ang First Quarter halata mong parehas pang nag wa-warm up ang parehas na grupo

Pagdating ng Second Quarter ay makikita mong doon na lumalabas ang totoong laban hindi parin pinapaupo sila West at Luis

Nag wa-water break lang sila at hindi sila pinapaltan yung iba nilang kasamahan ang pinapaltan

Silent PainWhere stories live. Discover now