Chapter 35 Airport

0 0 0
                                    


Avior POV

Pagkatapos kong sabihin sa mga kaibigan ko ang desisyon ko ay hinayaan nila ako dahil kailangan ko din to

Kinuha naman ng mga lalaki yung gamit ko sa bahay nung una daw ay ayaw pa itong ibigay ni mam ngunit pinilit daw nilang pinasok ang bahay

Nalipat na ang lahat ng gamit ko dito sa condo nalipat ko na ang mga gamit ko sa guest room at binigay na kay Aviola ang master's bedroom dahil aalis na ako

Isang linggo na ang lumipas ay wala kaming narinig tungkol kay West hindi rin daw ito umuuwi sa bahay nila sabi ni Luis

Nagpalit na din ako ng simcard para sa canada wala na din akong pera kaya hindi na ako nagpa palit pa ng dollar

Inayos ko na ang mga gamit ko sa salas at chineck kung may naiwan pa ako sa kwarti o kahit sa mga gamit ko

Tinignan ko din ang visa at passport ko sa hand bag ko

Cellphone
wallet
passport
visa

Andito na ang lahat nagsuot lang ang ako ng maong jeans at sweater na white at yung black boots na pinahiram ni desiree

Bumalik ako sa salas at nakitang andon na silang lahat

"Tumawag ka kapag andon kana"

"Mag ingat kayo ni baby doon"

"Umuwi ka kapag nanganak ako at kapag bininyagan ang anak ko"

Tumawa lang ako at isa isa silang niyakap alam na ng mga lalaki na isa lang ang nalaglag sakin

Masaya sila na may natira padin sakin kahit papaano

Tumingin ang sa mga boys at nginitian ang mga ito

Binuhat na nila ang mga maleta ko

Sumabay naman sakin sa paglakad si Aviola inakbayan ko ito

"Pwede ka magpapunta ng kaibigan pero hindi ka pwede magpatulog jan ng lalaki ha"

"Opo ate"

"Hanggang 12am lang ang curfew mo"

"Opo"

"Magaral kang mabuti ha?magpapadala ako ng tuition at pang kain mo araw araw"

"Kaya mo ba ate?"

"Kaya ko wag mo akong alalahanin gusto ko pag balik ko dito engineer kana"

"Yes ma'am"

Nag si sakay na kami sa backseat ng van dahil lahat sila ay maghahatid sakin bukod kay West

Nasasayangan ako sa relasyon namin pero tulad nga ng sabi

It's for the best

Kung stress lang ang iintindihin ko dito sa pinas ay baka mawalan nanaman ako ng mahal ko sa buhay

"Daan muna tayo sa simenteryo"

Utos ko tumango naman si Kai dahil siya ang driver namin

Pagkarating namin doon ay may isang rosas na puti ang naka tusok sa lupa

Itinabi ko dito ang limang roses na pula at inihiga ito sa lapida ng anak ko

My angel im sorry for not taking care of my self and let this happen to you please forgive me

When i get back you will meet your sibling and a better person of me

Hope you have a good life there and please guide us through this journey

Momma's love you

Hinalikan ko ang palad ko at idinikit ito sa lapida ng anak ko at umalis na

Dumiretcho na kami sa Airport dahil malalate na ako sa flight ko

Silent PainWhere stories live. Discover now