Kabanata 16

501 18 6
                                    


Hindi na kinailangan ni Joshua ng sagot mula sa'kin. Kusa niyang ipinaramdam ang kagustuhang alagaan ako.

Sa nagdaang mga linggo, naging mas espesyal ang trato niya sa'kin. Kahit na puyat pa mula sa pag-aaral gabi-gabi, gumigising parin siya ng maaga para magluto ng espesyal na agahan para sa'ming dalawa. Espesyal hindi lang dahil luto niya, kundi dahil isine-set-up niya pa ang mesa. Organized na organized lahat ng utensils at paiba-iba ang gamit na placemats. At araw-araw, naglalagay siya ng isang tangkay ng pulang rosas sa gilid ng plato ko.

Kapag hindi busy si Josh sa acads niya, inilalabas niya kami ni Scottie. Minsan sa mamahaling lugar, minsan naman sa simple lang. Kahit saan... basta silang dalawa ni Scott ang kasama... palaging masaya. Kahit pa siguro sa pinakamurang restaurant kami magpunta, magiging masaya parin ako. It's true. It's not about the place, it's about the people you're with.

To show gratitude, I prepare him lunch. Araw-araw ko rin siyang ipinagluluto para pabaunan. At first, it felt... corny... lalo pa at parang old school na yata ang pagdadala ng lunch box sa paraalan... pero maganda naman ang reaksyon ni Joshua parati... kaya itinuloy ko lang. 

Kapag wala siyang klase ay itinitext niya ako. Kung anu-ano lang ang topic namin. Madalas, si Scott. Natutuwa ako kapag pinag-uusapan namin ang bata. Nakakatuwa naman kase lahat ng milestones ni Scottie. Kaya niya nang gumulong, aliwin ang sarili sa pamamagitan ng pagsipsip sa hinlalaki, at ifocus ang mga mata sa isang bagay. When Josh and I converse about it, we both feel proud. 

Nakakataba ng puso ang pagsaksi sa unti-unting paglaki at pagkatuto ng bata. Mabuti nalang talaga... hindi ako nagpadala sa negatibong ideya na naisip nang batuhin ng maaanghang na salita ni Ma'am Graciella. Speaking of, nasundan pa ang pagbisita ni Ma'am sa bahay bago siya lumipad pa-Canada. Marami rin siyang binili para sa apo... at sa kabutihang palad, hindi na niya inulit ang mga sinabi niya sa'kin nun. Kapag nasa bahay siya ay hindi niya ako pinapansin... at kahit na hindi parin ako komportable... mas mabuti na iyon kaysa sa kung ano pa ang sabihin niya. It was more than enough for me. 

Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ko naisipang umalis at igive-up ang trabaho ko. Syempre, panaka-naka ko itong naiisip. Lalo pa at nahihiya ako kay Ma'am Graciella. May punto naman kase siya at naiintindihan ko kung saan siya nanggagaling. Kaya lang... hindi ko magawa-gawang umalis dahil araw-araw, ipinaparamdam ni Joshua sa'kin na gusto niyang manatili pa ako. At mamimiss ko rin sila ni Scott... kaya nagdesisyon akong... hayaan nalang ang sariling magpatangay sa alon ng buhay. 

I know I should have left. I know I'll have to face the consequence of choosing to stay. Wherever this will take me, I have no choice but to accept it. Nandito narin naman ako... kaya paninindigan ko nalang. 

Ngayon lang ako naging masaya ng ganito. Sa piling lang ni Joshua at Scott. This time... I want to let myself... be happy. And I am choosing to enjoy this happiness... while it lasts.

"Good morning!"

Napahawak ako sa dibdib nang gulatin ako ni Joshua sa pinto ng kuwarto ni Scott. He stood in front of me with warm smile.

"G-Good morning, din. Nakakagulat ka naman..." ngumuso ako.

Josh was wearing a white round neck shirt and black cotton shorts. Mamasa-masa ang buhok niya kaya alam ko kaagad na kaliligo niya lang. Umaalingasaw rin ang kanyang mabangong body wash. 

Ang presko at ang guwapo-guwapo niya talaga. Lalo na kapag nakangiti.

"Hep! Hindi pwede!" pinigilan niya akong pumasok.

Nagsalubong ang kilay ko. Talagang dumipa siya para iharang ang dalawang kamay sa'kin.

"Bakit?"

Hold Onto You (Book 3 of You Trilogy)Where stories live. Discover now