Kabanata 39

554 25 9
                                    

"Sky? Okay ka lang?" Esme rushed to me.

Hinang-hina akong umiling at humikbi nang tahimik. Niyakap ko si Esmeralda nang mahigpit. Sa pagkakataong iyon, I knew I badly needed someone to be there for me.

"Nakaalis na sina Attorney. He was c-crying, Sky..." hinagod niya ang likod ko - ramdam ko rin ang panghihina niya.

Mariin akong pumikit at umiyak lalo. Shit. I did not know this would be this painful. Seeing Josh hurt like that stabs my heart multiple times. Doble ang balik sa'kin. And I know I should not complain. Ako ang naglagay sa sarili ko sa sitwasyong 'to. I deserve this pain for lying. For hiding the truth from him.

I deserve to be questioned. Be shouted, even. Pero wala akong natanggap mula sa kanya. He cried, and then, he left silently.

I know he's disappointed and angry. Who knows, he might slip away from me because of this. Pero sa totoo lang, hindi iyon ang inaalala ko. I care more about how he will cope from what he just learned. Gusto ko siyang damayan. Gusto kong ako naman ang nandoon para sa kanya. Kaya lang, paano? Paano ko siya sasamahan kung ako rin ang magpapaalala sa kanya ng nangyari? Ako na nagsinungaling? Na naman?

Umuwi ako nang mabigat na mabigat ang loob. Hindi ako nakontento sa naiyak ko sa skwelahan kaya dinagdagan ko ang luha ko nang makapasok sa sariling kuwarto. I spent the day hurting and worrying. Ang hirap.

"Paabot nga ng ham, Sky..." si Kuya.

Tipid akong tumango at iniabot sa kanya ang lalagyang may ham. Umuwi si Kuya kagabi. I bet Esmeralda told him what happened... kaya pansamantala niya munang iniwan ang asawa sa bahay nila para i-check ako.

"May gagawin ka ba ngayon, Esme?"

"Wala naman, 'ya. Bakit?"

"Why not go out with Sky today? Mag-shopping kayo. O manood ng sine." he suggested.

I smiled tightly before politely declining. I was just... not in the mood to pamper myself. Parang hindi ko kayang magsaya ngayong alam ko na nagluluksa nang mag-isa si Joshua.

"Bakit kase hindi mo nalang sinabi, sis. Akala ko nasabi mo na dahil okay naman na kayo. Kaloka ka. Lovelife na, naging bato pa." umiling-iling si Esme.

She followed me to my room. Hinayaan ko siya. I think I would need her opinion right now. After all, she's sane enough to run through my situation and come up with an unbiased judgment.

"What do you think is he feeling right now?"

"Ano pa? Edi disappointed. Malungkot. Galit? Oo nga't mahal na mahal ka nun at hindi ko pa siya nakitang nagalit sa'yo pero jusko, tao rin naman siya, mahal kong kapatid. Kung ilalagay ko ang sarili ko sa posisyon niya, baka talagang isumpa kitang bruha ka. I mean... imagine?! You have all the means to tell me we have a child but you chose to keep it for yourself for seven long years! Nagkita tayo't lahat... niligawan kita... pero wala, tikom pa'rin ang bibig mo. Tapos... mababalitaan ko na hindi naka-survive ang bata. Jusko. Napakahirap tanggapin nun."

Yumuko ako at bigong umiling. Sapul na sapul ako sa mga sinabi ni Esme.

"What do you think should I do?"

Pairap siyang tumingin sa'kin.

"Ikaw kung ano'ng gusto mo. Malaki ka naman na, Sky. I know you know what to do."

Right.

I know Joshua won't want to see me right now. Kaya didistansya na muna ako sa kanya physically. Saka nalang ako mag-eexplain kung ayos na sa kanya.

"Ano 'yan? Ano'ng niluluto mo?"

Sumilip si Esme sa pinakukuluan kong karne ng baka.

"Beef caldereta."

Hold Onto You (Book 3 of You Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon