Wakas

1K 34 14
                                    

Bago ko tuluyang tuldukan ang nobelang ito, gusto ko pong magpasalamat sa inyong lahat. Maraming salamat sa pagtangkilik at pagsubaybay sa storya nina Joshua at Sky. Aaminin kong naging abala ako sa acads at personal kong buhay nitong mga nagdaang buwan kaya naging mabagal ang updates. My original plan was to finish this in four months time. Finishing it in a duration twice the length I've imagined was quite difficult. Buti nalang, nandiyan ka'yo para patuloy akong iinspire na huwag huminto.

Salamat at pinili niyong kumapit hanggang wakas. Sana may natutunan kayo sa storyang ito at sa iba pang storya sa ilalim ng You Trilogy. Hanggang dito na lamang ang trilohiya. Maraming salamat.

~~~

"I'm engaged!"

Tuwang-tuwa si Claui nang ibahagi ang tungkol sa pag-usad ng relasyon nila ni Vincent.

"Ahhhh! Really?! Gosh. That's such a nice news!"

"Hoy buntis, wag kang tumalon." saway ko kay Hannah.

She rolled her eyes on me. Nawala tuloy ako saglit sa usapan. Pasaway kase ang buntis na 'to.

"You're so strict, Wawa! And bitter. Maybe because you still don't have a girlfriend-"

"Congrats, Claui."

Matapos batiin ang kaibigan, si Vince naman ang binalingan ko.

"Congrats, bro. Buti hindi mo na pinatagal." ngumisi ako.

"Salamat, Josh. Ikaw na next in line." biro niya.

I playfully raised a brow.

"Depende sa kapatid mo."

Napahalakhak ako nang sumeryoso ang ekspresyon niya.

"Biro lang, bro. Wala na sa plano ko ang mag-asawa..." kung hindi rin lang si Sky ang mapapangasawa.

Asawa. Tangina, sige. Mangarap ka pa, Joshua. Ni hindi ka na nga siguro naiisip nun.

It's been more than seven years since she left me and Scott. Maraming nagbago. Kahit papano, nakausad naman ako sa buhay. Nakapasa ako sa law school at nag-top sa BAR. May sarili narin akong law firm. Others see me successful now. Pero ang totoo, may puwang pa'rin sa puso ko. At alam kong isang tao lang ang makakapuno niyon. Siya lang. It has always been her.

"If she comes back, wala ka pa'ring plano? Gusto mo pa'rin, hindi ba? Ano? Laro-laro lang?" kritikal na tanong ni Vince.

Naibaba ko ang baso ng alak at gulat na napalingon sa kanya.

"Matanda na ako para sa laro-laro lang, bro."

At noon pa man, seryosong-seryoso na ako kay Sky.

"Ayusin mo, Attorney." Tinapik niya ang balikat ko.

Bumuntonghininga ako at tipid na ngumiti.

"Ano yan? Aren't we supposedly having fun? Bakit ang seryoso niyong dalawa?" asik ni Claui.

Sabay kaming umiling ni Vince.

"We're having fun." I stated.

I raised my glass and called for a toast. Finally, Claudine found someone who'll treat her like how she should be treated. Hindi iyong kagaya ng gago niyang ex.

Nagkatuwaan kaming lahat. Humabol sina Bench, Preston at Khalil na pare-parehong galing sa trabaho. May dumating din na babae, iyon yata ang kapatid nina Vince. Si Esmeralda. Lumapit ito sa'kin at nakipagkilala. Her aura is light and her energy is contagious. Madaldal siya. She reminds me of... Lily.

Teka. Narito si Esmeralda? Ibig sabihin... nakauwi rin si Skyler?

"Sino hanap mo, Wa?" tanong ni Hannah, nakita yata ang paglinga-linga ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 19, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hold Onto You (Book 3 of You Trilogy)Where stories live. Discover now